ANSABEEEH???: FEMALE YOUNG STAR, BATTERED GIRLFRIEND NOON KAY YOUNG ACTOR!

0
75


Naawa naman kami sa female young star na ito na kung tutuusin, ever since ay quiet lang at hindi pumapatol sa mga isyu sa kanya. Recently lang ay may isyu sa kanya na nagawa naman niyang itanggi at sabihing walang katotohanan.

Pero, naawa kami nang malaman namin from a very, very reliable source kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit sila nag-break ng young actor. Battered girlfriend pala si female young star kaya sobra itong naging masaya nang finally mag-break na sila.

Matagal nang nakikipaghiwalay si female young star sa boyfriend, pero ayaw raw nito. Umasa rin naman si female young star na magbago ang ex-boyfriend, pero wala raw talaga.

Natatawa na lang daw si female young star sa mga interviews ni young actor, kabaligtaran daw ang mga sinasabi nito. At sabi pa ni female young star, puwede niyang i-deny na naging boyfriend niya ito dahil never naman silang umamin na naging sila.

Ang siste, nangungulit na naman daw si young actor kay female young star na makipagbalikan. Pero talagang no na no na para rito ang ex.

CAREER NI ENRIQUE, NAPAPABAYAAN?

Ilang messages na ang natatanggap namin sa mga fans ni Enrique Gil. Nagtatanong ang mga ito kung ano raw ang susunod na project ni Quen. Kasi raw matagal na ang huling project nito.

Enrique Gil

Nakikiusap pa sila kung puwedeng sabihin na para raw maabangan nila. Tingin namin naghahanap sila ng sagot at nagtataka kung bakit wala pang nababalitang bagong show o movie ni Enrique.

Ang ka-loveteam nito na si Liza Soberano ay may sure ng bagong project, a big one, ang Darna. Hindi raw nila alam kung si Enrique ba ang magiging leading man ni Liza sa Darna movie o iba.

“Si Liza po kasi, may project na. Pero si Quen, wala pa kaming alam,” sey ng mga ito.

Well,  sigurado naman na kung hindi man si Quen ang magiging leading man ni Liza, may nakalaan na ibang proyekto para rito. In fact, may alam na nga kami, a movie na if ever, ang ganda ng casting. Sana lang talaga, mag-materialize at matuloy talaga ang naturang movie.

Bulilits, back to school na!

Dahil balik eskuwela na ang mga estud­yante, hindi rin magpapahuli ang mga buli­lits ng longest-running kiddie gag show, ang Goin’ Bulilit ng ABS-CBN. Back-to-school na ang masayang episode ngayong gabi sa Goin’ Bulilit.

Hindi rin naman pahuhuli ang mga ta­lented GB kids na kahit masaya sa kanilang showbiz career, never na pinababayaan ang kanilang pag-aaral. In fact, karamihan sa GB kids ay mga honor stud­ents talaga.

Ngayong Linggo rin ng hapon ang so­lid na grupo ng Banana Sundae at tuwing Sabado naman ng gabi ang Home Sweetie Home.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments