ANSABEEEH???: ARCI, HIRAP NA HIRAP SA LAMPUNGAN KAY GERALD!

0
81


Sa buong career ni Arci Muñoz, ang love scene nila ni Gerald Anderson sa bagong movie under Star Cinema na Can We Still Be Friends? siya nagkaroon ng pinakamahirap na eksena.

At ito pa ‘yung love scene nila na mukhang hindi kinaya ni Arci ang bonggang abs ni Gerald.
“Ang ganda kasi ng abs niya! Sobra! Hahaha!  I represent all the girls!” sey pa niya.

Pero hindi masabi ni Arci kung bakit sobra siyang nahirapan sa love scene nila ngayon ni Gerald to think, pangalawa na nila ito after Always Be My Maybe mo­vie nila.

Ang hiling nito, panoorin na lang daw ang movie nila, at doon malalaman kung bakit nasabi niyang sa buong career niya, ‘yun na ang pinakamahirap niyang nagawa. In fact, dahil nahirapan nga, kinaila­ngan pa raw niyang mag-shot bago ang take nila.

Para kumalma siya dahil sa abs ni Gerald? Huh! Nakakatawa si Arci na feeling namin, dahil sa mga sinabi niya pa, mas lalong maiintrigang panoorin ang movie nila.

Aba, e kesyo madaling-araw na raw nilang shinoot ang love scene. Pero ang pawis niya, parang sa anime, ganun kala­laki ang butil at halos lahat daw ng tao sa set, nagising. O ha!

Anyway, mukhang marami na nama­n ang makaka-relate sa tema ng pelikula nila bilang ano nga ba, after the break-ups, can we still be friends?

Pele nina Jolina-Mark, matik ang smile!

Dalawang taon ng celebrity endorsers ng Super Twins Diapers ang pamil­ya Escueta nina Mark Escueta, Jolina Magdangal at ng kanilang tatlong taong anak na si Pele. Sobrang happy pareho ang Megasoft ni Ms. Aileen Choi-Go at nina Jolina sa produktong ineendorso.

Aminado naman si Ms. Aileen na teenager pa lang sila pareho ni Jolina ay fan na siya nito.

Masayang-masaya siya sa outcome ng pagiging endorsers ng pamil­ya na ngayon nga, tila kasabay sa paglaki ni Pele at needs nito, nag-come-out na rin ang Super Twins ng Super Twins baby pants or pull-ups.

Sayang nga during the presscon, kagigising lang halos ni Pele kaya hindi pa ito relax na chumika. Pero aliw lahat dahil automatic ang smile sa picture.

Habang nilalaro namin si Pele after ng presscon, tinanong namin siya kung anong diapers ang like niya at mabilis ang sagot niya na “Super­twins!”  Ang nakakaaliw, dahil nga baby pants style siya, so si Pele na mismo ang nagsusuot ng diaper niya.

At dahil halos nasusunod sa time-table ng mag-asawang Mark at Jolina ang mga nangyayari sa buhay nila, ang hands-on na pagpapala­ki sa anak, ang pagkakaroon na ng sariling bahay at ngayon naman, ang wish na nila na masundan na si Pele.

Lima ang orihina­l na wish nilang babies pero dahil naging maselan at mahirap din ang unang pregnancy ni Jolina, minimum of two ay okey na rin daw sa kanila.

Pero kung magkakaroon ng chance na ma­bigyan sila ng twins ay super happy raw siguro sila.

Anyway, si Jolina ay patuloy na napapanood sa Magandang Buhay at ASAP at si Mark naman with his River Maya band ay magka-come-out sa latest album nila, “Sa Kabila ng Lahat” under Star Music.

The post ANSABEEEH???: ARCI, HIRAP NA HIRAP SA LAMPUNGAN KAY GERALD! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments