ANSABEEEH???: ALDEN, ‘KINAAWAAN’ SA MEGA EVENT!

0
155


Alden Richards@ Mega Event

Hindi na kami nagu­gulat sa mga nega­tibong ­reaksiyon mula sa ilang ­netizens. To be really honest, nang makita rin namin sa ­social media ang damit na sinuot ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa katatapos na Mega Event, nagulat din kami at nagtaka kung ‘yun na nga ba ang suot niya for the said event.

Sa sobrang kasimple­han, puwede mong ­isipin na magmo-malling lang ito o may meeting lang na pupuntahan. Ang tanong na siyang tanong din ng ilang netizens, “anyare?!”

Isa sa mga malapit at mahal naming ­Kapuso stars si Alden kaya nalungkot kami nu’ng makita namin ang suot niya at naisip na posible siyang ma-bash habang ang ibang artista ay bongga talaga sa mga suot nila.

Isa si Alden sa mga Kapuso stars o kahit lahatin na ang mga artista na masasabing napakagandang magdala ng damit, ­kahit terno pa ‘yan.

His stylist should know better. Bakit nga ba? At the same time, paano ito na-allow? Unless may statement silang gustong ihatid sa naging ­kasuotan ni ­Alden na tingin namin, hindi yata na-get o ­na-achieve positively.

May nag-comment na naawa kay Alden at sinabing, “Sana simple or classic barong na lang para ‘di mukhang weird for a fashion event si Alden. Kawawa naman wala siyang magawa.”

Pero aliw rin kami sa isang comment na, “Yung kaguwapuhan ang nagdala! Puwedeng pakisunog ang damit pagkatapos ng event ?”

Next time siguro, mas pag-isipan, lalo na ng ­stylist ni Alden ang pinapasuot dito. Si Alden ang isa sa pinakamalaking artista ngayon kaya given na ­kahit anong gawin at isuot niya ay posibleng mapansin at pag-usapan.

ANGELIKA, ENJOY TARAY-TARAYAN SI SUNSHINE!

Malapit na raw matapos ang afternoon prime na Ika-6 Na Utos ng GMA-7. Pero, how can you argue with its super high rating na kahit sinasabi ng ilang viewers na grabe na ang kinahinatnan ng kuwento para raw humaba o ma-extend, eh, the ratings speak for it.

It’s still the highest daytime program at kapag nagbabasa kami ng mga , ang passionate talaga ng mga manonood. 

Ilan na nga bang tungkol sa mga kabit na serye, pero grabe itong Ika-6 Na Utos na ang daming naaapektuhan.

Eh, lalo na ngayon na kung totoo man na ­malapit na itong magtapos, heto’t ipinasok pa si ­Angelika dela Cruz na alam naman din kung gaano kahusay sa pag-arte. 

At kung paano mas lalong na-excite ang mga manonood dahil sa muli nilang paghaharap ni Sunshine Cruz.

Sabi nga ni Angelika sa Instagram post niya ng boomerang nilang tatlo nina Mel Martinez at ­Sunshine, “Ika-6 Na Utos ba ito o ikaw lang ang mamahalin?”

Parang reunion nga kasi nila ngayon sa ­Ika-6 at kahit teaser pa nga lang ang ipinapakita bago ­pumasok si Angelika, mae-excite ka na dahil ­parang enjoy na enjoy lang itong si Angelika na taray-­tarayan si Sunshine.

Well, in real-life, both are PPL Entertainment ­artists at talagang magkaibigan.

Anyway, hindi pa kaya nakakaisip ang Kapuso network na pagsamahin sina Angelika at Sunshine sa susunod na teleserye nila sa temang bida-kontrabida muli ang dalawa?



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments