ANOTHER KIAN LOYD-LIKE EXECUTION – Remate

0
18


HINDI pa humuhupa ang public indignation dahil sa Kian Loyd delos Santos murder ay may panibagong problema na naman ang PNP.

Ang mga ebidensiya sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, 19, dating University of the Philippines student ay katulad ng pagpatay kay Kian.

Incidentally, sina Kian at Carl ay parehong nasawi sa magkahiwalay umanong police operation na isinagawa ng pulisya ng Caloocan.

Sa isinagawang awtopsy ng Public attorneys Office, si Carl ay binaril nang nakaluhod, ang mga kamay ay may sugat na bakas ng posas.

Taliwas ito sa pahayag ng Caloocan police na lumaban si Carl matapos masukol sa C-3 Road dahil sa panghoholdap sa isang taxi driver.

Pero sa panig ng mga magulang ng biktima, sinabi nila na si Carl ay hindi maaring maging holdaper dahil ito’y mabait na bata.

Iginiit nila na ‘di kailanman nagkaroon at ‘di marunong humawak ng baril ang anak kaya naging palaisapan ang shootout version ng pulisya.

Bersyon ng pamilya ni Carl laban sa bersyon ng mga pulis, pero ang mahalaga ay ang mga ebidensya na magpapatotoo sa tunay na nangyari.

Para malaman ang katotohanan, siguro’y kailangang – tulad ng Kian case – magsagawa ang mga senador at kongresista ng inquiry.

Sa pamamagitan kasi ng Senate at House inquiries, walang pangamba na hindi lalabas ang katotohanan sa tunay na nangyaring patayan.

Isama na rin nilang dinggin ang pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal na nagsabing buhay niyang dinala bilang kanyang holdaper si Carl ngunit pinatay ito ng mga pulis sa lugar na pinagholdapan sa kanya sa C3, Caloocan.

At habang sinusulat din natin ito binabalot namang ng kontobersya ang natagpuang bangkay ng 14 anyos na kasama ni Carl.

Ayon sa pulisya, hindi si Reynaldo de Guzman ang bangkay na nakita sa Gapan, Nueva ecija dahil hindi tugma ang mga bahagi ng katawan nito sa mga bahagi ng katawan ng mga magulang nito na sina Leni at Gabriel batay sa isinagawang DNA test.

Bukod sa hindi tugma, supot din umano ang bangkay na kaiba kay De Guzman na sinasabing tuli.

Pinanindigan naman nina Leni at Gabriel na anak nila si De Guzman dahil sa mga palatandaan nito bilang anak at kasama nila simula pa ng pagkabata nito.

Sa pagkakataong ito, dalangin natin na wala nang susunod na ‘Carl’ sa mga operasyon ng pulisya. CHOKEPOINT/BONG PADUA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments