Ano ang mga hinahangaan ni Brook Lopez sa mga Pinoy?

0
88



Sa pagdating ni NBA player Brook Lopez sa Pilipinas, nakasalamuha niya ang mga fans sa bansa, at nasubukan din niya ang mga pagkaing Pinoy. 

Nasa bansa ang basketbolistang si Brook Lopez, isa sa mga number one player ngayon ng Brooklyn Nets, para sa isang partnership ng NBA Philippines at ng isang insurance company.

Ito ang pangalawang beses na bumisita si Lopez sa Pilipinas. Aniya, tuwang-tuwa siya sa pagmamahal ng mga Pinoy sa basketball.

Kuwento ni Lopez, ”Someone told me, you may beat us with your shoes on, but play us in barefoot, we beat you.”

(May nagsabing (Pinoy) sa akin, puwede ninyo kaming matalo kapag nakasapatos, pero pag maglaro tayo nang naka-yapak, kaya namin kayong talunin.) 

Natuwa rin si Lopez sa pagkaing Pinoy. Ibinahagi niyang ang kanyang paboritong pagkain dito ay ang Pinoy-style spaghetti.

Siyam na taon nang naglalaro si Brook sa NBA at naging teammate ang NBA ‘greats’ na sina Kevin Garnett, Paul Pierce, at Vince Carter. 

Magkakampi naman sa team noong mga nakaraang taon sina Lopez at Andray Blatche, ang naturalized player ng Gilas Pilipinas. Naglalaro rin sa Chicago Bulls ang kanyang kambal na kapatid na si Robin.

Si Brook ang may hawak ng team o franchise record para sa pinakamaraming points para sa kanyang koponan na may total na 10,444 points, at nalagpasan na niya sa listahan ang Nets legend na si Buck Williams (10,440 points). 

 ”I take a lot of pride of being a traditional big man, that’s not gonna go away from my game,” ani Lopez.

(Malaki ang pagpapahalaga ko sa pagiging isang traditional big man. Hindi yan mawawala sa laro ko.) 

Ayon kay Lopez, malaking impluwensya sina Shaquile O’Neal, Kareem Abdul-Jabaar at Wilt Chamberlain at lagi niyang inaayon ang kanyang laro sa kanyang mga idolo.

–Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments