Anne-Erwan pre-nup photos –

0
126


Korean drama feels ang dating ng pre-nuptial photos nina Anne Curtis­ at Erwan Heussaff, na siyempre nga ay sa Korea ang location.

Feel na feel mo nga Korean style na for sure ay si Anne ang nasunod, dahil isa nga siyang K-drama addict.

At bongga nga, dahil isinabay talaga ni Anne ang pre-nuptial pictorial nila ni Erwan sa mismong kasal ng mga idolo niyang sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki o ‘Song-Song wedding’, na kahit dito­ sa Pilipina­s ay super-trending din, since sangkatutak nga ang mga Filipino na adik na adik sa mga Korea­n stars, Korean dramas, at kung ano-ano pang may kinalaman sa Korea.

Pero sa totoo lang, ang fresh, ang sarap tingnan, at ibang-iba talaga ang taste ni Anne.

Sobrang ganda ng location, at para ka ngang nanonood ng Korean drama, lalo na sa mga eksenang nakasampay siya sa likod ng futur­e husband niya.

Sobrang kilig na kilig nga ang followers nina Anne at Erwan sa mga inilabas nilang pre-nup photos.

cynch_cuachin “Wow! The things he will do for u… every girl’s dream… a back ride wid oppa!”

fercyjoy “Wow. Is it a prenup @annecurtissmith.”

annnniiggg “love this.”

annnniiggg “My God! My heart.”

Jekabeyb “Sweet.”

sefbustillos “I want those pants too, Erwan!”

angelbandrade “Love in one picture.”

desireemnl “Bagay talaga.”

yeltsin04 “epitome of true love.”

serendi_pretty “Anong K-Drama to? You are both aesthetics.”

Xx_.kimj “Next na sa SongSong Couple to. Hahaaha.”

Anyway, aliw rin kami sa isang photo nina SongSong na kung saan ay may bisita silang isang girl na nasa gitn­a nila.

In-edit kasi ng mga fans ni Anne, at inilagay ang mukha niya sa gitna ng mga bagong kasal.

Feeling mo tuloy, sa unang tingin mo, parang inimbita at sobrang suwerte talaga ni Anne, na nakasama niya ang mga bagong kasal.

Pero ‘yun nga, edited lang ‘yon. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments