Anne Curtis, plano na bang magka-baby?

0
30



Ipinahayag ni Anne Curtis na wala pa siyang balak magkaroon ng anak matapos silang ikasal ni Erwan Heussaff nitong buwan.

“Hindi pa,” ani Anne nang tanungin ng ABS-CBN News.

“We just got married and siguro not just yet, we’ll enjoy muna being married,” dagdag ng aktres.

Kahit misis na, tuloy pa rin ang karera ni Anne sa show business.

Suportado pa umano siya ng mister na si Erwan.

Iginiit ni Anne na wala namang nagbago mula nang ikasal sila ni Erwan, na anim na taon niyang naging nobyo.

“Wala, walang adjustment talaga. If ever, I really just feel that it’s my last name that will be changing,” ani Anne. “If ever anything, it’s just made me a happier person.”

Bukod sa buhay may-asawa, tutok din sa Anne sa pagiging celebrity advocate ng organisasyong United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines.

Sa katunayan, umabot sa halos P7.5 milyon ang halaga ng tsekeng ibinigay nito sa UNICEF Philippines na nagmula sa kinita ng kaniyang proyektong “The Color Run Dream”. 

Idinaos ang fun run noong Setyembre 3 sa Mall of Asia Grounds.

“Very thankful talaga ako sa lahat ng supporters that came to run… what was even more meaningful is we had children talaga who were able to participate,” ani Anne.

Isa lang umano ito sa marami pang proyektong gagawin ni Anne at ng UNICEF, kasama ang pagpapagawa ng mga silid-aralan para sa mga kapos-palad na mag-aaral.

“I have so much faith and belief on how important education really is for children,” aniya.

— Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments