Angel to bashers: Liza deserves Darna role

0
153


Angel Locsin thinks Liza Soberano is a worthy successor of her famous Darna role. Photos from the official Facebook page of Angel Locsin and Star Magic

MANILA — Star Cinema announced on Tuesday that Liza Soberano will be the new Darna for an upcoming film about the Pinay superhero. 

Below is a transcript of MJ Felipe’s interview with Angel Locsin, who famously portrayed Darna in 2005, about her reaction to the news. 

Locsin talked about the komiks she gave Soberano, which she hopes will help the young actress prepare for the role, why she thinks the “Dolce Amore” star deserves the part, as well as her thoughts on the comparisons being made between them. 

MJ Felipe: It’s out in the bag. They already know that Liza is the new Darna. We want to know kung ano ang reaksyon mo dito? 

Locsin: I’m very excited for Liza. Actually, I think they posted iyong comic books na binigay ko kay Liza. Gusto ko sana ibigay iyon as my gift sa kanya. Those comic books are special to me kasi ibinigay sa akin iyon during the time noong unang beses akong maging ‘Darna.’ So 10 years ago na iyon and for 10 years tinago ko talaga iyon at inalagaan ko.

Sana makatulong iyon sa kanya kagaya ng naitulong sa akin. And one day, sana maipasa din niya iyon sa susunod na Darna rin.

Felipe: Bakit mahalaga iyong gesture na iyon, iyong ipapasa? Bakit mo naisip na kailangan mo itong i-pasa kay Liza? 

Locsin: Noong sinabi na ako iyong gagawa ng Darna, ibinigay sa akin iyon. Doon ko unang nabasa iyong makabagong story na Darna. At madami naman akong natutunan at mas nakilala ko iyong karakter. …In a way siguro parang tradition. Ibinigay sa akin at gusto kong i-share sa kanya.

Felipe: Sinabi mo dati na life-changing moment ito para kay Liza? 

Locsin: I’m really excited for her. I know kung gaano kahirap but napaka-fulfilling nang role na ito. Isa itong napakasayang adventure at simula pa lang ito ng lahat ng mga magagandang mangyayari sa kanya.

Felipe: Do you have any advice for her?

Locsin: Kapag hiningi naman iyong advice ko, very willing naman ako ibigay. But ayaw ko naman magbigay ng basta bastang advice kasi baka hindi naman kailangan.

Pero I’m very willing to guide her kapag kailangan niya. Nandito lang ako. Kausapin lang niya ako. At sana mahalin lang talaga niya iyong karakter. Kasi ako mahal na mahal ko talaga iyong character na iyon eh.

Ang Darna kasi hindi lang siya basta iyong nababasa mo lang sa komiks. Ikaw ang magiging simbolo ng hope, ng justice, at pagasa. And I think kayang-kayang ibigay ni Liza iyon at I think Liza will do great talaga.

Felipe: Sa interview namin sa kanya, sana daw makapag-sit down daw kayo for dinner para makausap ka niya. Will you accept the invitation? 

Locsin: From the start, I told Tita Malou (Santos) na kung may question, kung gusto niya magpa-train. Ganoon ko talaga kamahal iyong project talaga. Ako naman, wala kaming more opportunity talaga na mas makilala ang isa’t isa pero ang dami kong naririnig sa kanya na kuwento ng mga production people na magagandang bagay. So malaking bagay talaga para sa akin iyon. 

Kung kanino ko man ipapasa iyong bato, gusto ko deserving. And I think si Liza, sobrang deserve niya iyong character talaga. Bukod sa napakagandang mukha, magaling na aktres, mabuting tao, mahal niya iyong trabaho niya, at grabe rin iyong charisma niya –napakaimportante iyon. I think panahon na para i-welcome natin ang bagong Darna. 

Felipe: Wow, coming from you. That’s really nice. 

Locsin: Ako, don’t worry about me — may mga nababasa ako na I think nako-compare. Huwag naman sana kasi kung anong nangyari sa akin, walang kasalanan si Liza. 

Ginagawa lang niya iyong trabaho niya at masaya ako dahil tinanggap niya ang trabaho na ito kasi I think panahon na para makita ng tao ang paglipad muli ni Darna.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments