Angel pinabalik, lakas ni Kathryn, kulang pa

0
50


TAMA ang hula ng mga nanonood ng La Luna Sangre na ang bagong karakter ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay ay si Lia.

Na-reveal na si Jacintha bilang si Lady in Red kaya naman trending ang  LLS nitong Lunes at Martes.

Tama pala ang mga nababasa namin sa usapan ng mga nanonood ng La Luna Sangre na buhay si Lia dahil noong napatay siya ni Sandrino/Supremo (Richard Gutierrez) ay dumating si Samantha (Maricar Reyes-Poon) para kagatin siya kaya nabuhay.

Hindi pa kasi sapat ang lakas at puwersa ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang bagong Itinakda kaya siguro bumalik si Lia sa ibang karakter.

Laking gulat nga ng lahat nang makita si Jacintha bilang isang makapangyarihang bampira at pinatumba si Boris (Ali Khatibi).

Inilantad na rin na si Jacintha ang nasa likod ng pamamaril kay Gilbert Imperial (Richard) gamit ang balang gawa sa pangil ng lobo ang dahilan para muling tumibok ang puso niya.

Anyway, magkakasunod ang gabing makapigil-hiningang eksenang mapapanood sa La Luna Sangredahil matapos hirangin si Malia (Kathryn) bilang bagong Punong Bantay ng La Liga Unida (LLU), hindi naman paaawat si Malia sa pagyakap ng kanyang kapalaran lalo pa’t mas naipakikita na niya ang kanyang angking lakas at kapangyarihan. Matagumpay niyang napamunuan ang LLU sa pagsakop sa kuta ni Sandrino at napatay niya rin si Omar (Ahron Villena). Hindi naman inaasahan na  malaman ni Tristan (Daniel Padilla) na mga lobo at bampira pala ang kakampi niya sa kanyang grupo.

Ano ang susunod na hakbang ni Malia bilang bagong Punong Bantay? Ano ang susunod na gagawin ni Jacintha kontra kay Sandrino? Paano kapag nag-krus ang landas nina Jacintha at Malia? Tuluyan na bang magiging mortal si Sandrino?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanosa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

ANGEL, KINILIG
NANG SABIHAN
NG ‘LOVE YOU’
NI NEIL

“SANA gamitin natin ang social media sa maayos na paraan hindi porke’t binigyan tayo ng freedom of speech, eh, mayroon na tayong freedom para maging bastos!” ito ang mariing sabi ni Angel Locsinnang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda noong Biyernes.

Ilang linggo na rin kasing bina-bash si Angel ng KathNiel supporters ‘daw’ dahil bumalik siya sa La Luna Sangre bilang si Jacintha Magsaysay at pakiramdam ng fans nina Daniel Padilla at  Kathryn Bernardo na nasasapawan ang kanilang idolo.

Paliwanag ni Angel kay Kuya Boy Abunda noong hingan siya ng komento, ”marunong po akong tumiklop, pero hindi po ako magpapa-bully. ‘Pag nararamdaman kong bullying na, hindi! Lalo na kung bata na nakikipag-usap sa ‘yo, hindi ko ito-tolerate ang bullying, pero ‘pag opinyon lang naman o gusto mong makatulong o lalaitin mo ang acting ko ganyan, papakinggan kita.

“Pero dahil lang sa pumasok ako sa isang show na ginagawa ko lang ang trabaho ko tapos ganyan, hindi nga bashing, eh, ibu-bully mo ako, ibang usapan na ‘yun.”

Binanggit ng TWBA

“Nakatutuwa nga po Tito Boy kasi hindi namin napag-uusapan talaga at nag-text ako sa kanila, pinasalamatan ko si Kath, si DJ, si Chard na sinasabi nga nila (ipinagtanggol ako),” saad ng aktres.

Samantala, tinanong ni Kuya Boy na nagdiwang ng kaarawan kahapon, Oktubre 29 at kasalukuyang nasa New York City, USA si Angel kung sino si Neil Arce sa puso niya.

“Isa po siya sa source of happiness ko ngayon, matagal kaming magkaibigan, siguro mga walong taon na rin po. Hindi rin namin alam kung paano nagsimula ang lahat, pero we’re happy at nangyari na lang siya. Nagpapasalamat ako na naging ganito ang relationship namin,”  napangiting sabi ng dalaga.

Aminado si Angel na nagulat siya noong sabihan siya ng ‘love you’ ni Neil.

“Alam mo Tito ‘yung parang nararamdaman mo pero ayaw mong mag-assume kasi you’re friends, parang ganoon, super close friends.

“Tapos noong sinabi niya ‘yun, alam mo ‘yung pakiramdam na ini-expect mo na, ‘heto na ‘to’ (kinilig), ganoon ang pakiramdam.

“Alam kasi namin na hindi dapat basta pinapasok (relasyon) kasi ayaw naming masira ‘yung friendship, so iyon ‘yung usapan namin na parang kung anuman ang mangyari rito sa napaka-exciting na journey natin, basta hindi tayo puwedeng mag-away,” pahayag ni Angel.

Boto ang pamilya ng aktres kay Neil, lalo na ang daddy nito, ”Okay naman sila at saka si Neil marespetong tao naman. Ako kasi ‘pag hindi ka gusto ng pamilya ko, sorry talaga kahit mahal na mahal kita at gustong-gusto kita. ‘Pag pamilya ko nagsalita against you, roon ako sa pamilya ko talaga.”

WEBISODE
ENDORSEMENT
NI KRIS,
SUNOD-SUNOD

SA kanyang Nacho Bimby at Potato Corner sa North Edsa branch nag-shoot si Kris Aquino ng kanyang webisode nitong Martes base sa post niya.

“How do I say Thank You? I shot in @smsupermalls NORTH EDSA, @nbsalert’s Christmas Shopping Webisode to showcase KRIS BOOK LOVE what a dream come true for a reading addict like me to be given by National’s Queen Bee @xandraramos my own section of choice books! I loved their section where we can personalize notebooks (super proud that their partner is a Filipino paper company), and I loved the classy gift wrapping area with all the matte gold & silver wrapper- very Nordstrom, Neiman Marcus, and Lane Crawford ang dating!

“We went to TheBlock so I could shoot a new segment CONNECT W/ Kris in our @nachobimby & @potatocornerph outpost & super happy because we have new take home packs to introduce to all of you. Yes, it was really a productive day. Good Night- vocal rest time for me. (P.S. This @jedmadelaofficial song is super special, I heard it on the radio way back when, loved it & asked my staff to find the singer & have him guest w/ us- and that’s when my love for his singing started.)”

Sunod-sunod na ang webisode endorsement ni Kris tulad ng Uni-Pak Sardines, Claritin, at Elica for Bayer at noong Lunes ay sinyut naman ang banko na ieendoso niya na maski hindi niya binanggit kung ano ay hula namin ay ang Banco de Oro base na rin sa isinuot niyang damit na kulay blue na siyang official color ng BDO at sinabi niyang, ”we find ways.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments