Angel, may regalo sa bagong ‘Darna’ na si Liza

0
126



May hangover pa ang fans ni Liza Soberano matapos makumpirmang ang kanilang idolo na ang susunod na lilipad na ‘Darna.’

Naging top trending topics pa ang ‘Darna’ at si ‘Liza.’ Excited maging ang kapwa celebrities ni Liza sa kaniyang big role.

Pinaka-inabangang reaksiyon na marahil ang kay Angel Locsin na matatandaang bumitiw sa role matapos magkaroon ng spine injury. 

”I’m really excited for her, I know kung gaano kahirap at ka-fulfilling ang role na ito for her, simula pa lang ito ng mga magagandang mangyayari sa kanya,” pahayag ni Angel.

May regalo pa si Angel kay Liza. Ipinaabot niya sa ‘bagong Darna’ ang Darna komiks na matagal nang nasa pangangalaga ni Angel.

”Those comic books are special to me, ibinigay sa ‘kin iyon noong una akong maging Darna, that was 10 years ago,” kuwento ni Angel. “It helped me a lot so sana makatulong din sa kaniya and I hope someday maipasa rin niya iyon sa susunod na Darna.”

Ikinatuwa naman ito nang husto ni Liza.

”Sobrang happy nakakakilig po kasi hindi ko naman ine-expect na magiging ganoon ang support niya sa’kin,” ani Liza. “We know how much she loves the role and I’m happy that she’s happy with me as the choice for the role.” 

Huling mensahe ni Angel, ”Sa fans ng Darna, oras na po para i-welcome natin ang bagong Darna!”

Bukod naman sa acting at dialogue workshops, sumabak na sa intense gym workout si Liza para sa inaabangang superhero role. Nauna nang sinabi ng aktres na gusto niyang gawin ang lahat ng stunts ni ‘Darna.’

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments