Angel at Neil, together forever na kaya? | Tempo

27


Hindi na kailangang aminin nina Angel Locsin at Neil Arce na officially together na sila. Obvious sa mga ipinost nila sa social media na may “something special” na namamagitan between them.

4angel n arce instagram copy

“Falling in love with you was the best part of my 2017,” photo caption ni Angel. Nag-I love you naman si Neil at nagpahiwatig ng forever. Mukhang hahantong sa kasalan ang kanilang relasyon.

If ever, sino kaya ang mauunang magpakasal kina Angel at Neil, Luis Manzano at Jessy Mendiola? Panay na ang pahiwatig ni Luis ng kasal kay Jessy.

Ready na

Nagpapahiwatig na rin si Derek Ramsay ng kasal sa non-showbiz girlfriend niyang si Joana Villablanca. Ani Derek, level up na ang kanilang relasyon na hindi lang basta live-in partners sila.

She’s the one na talaga for him. Sa presscon ng “All of You,” nagpahiwatig si Derek na ready na siyang magpakasal.

Parehas sila ng kanyang GF na may anak sa kanilang respective past relationships. Parang anak na ang turing ni Derek sa daughter ni Joana. Lalaki naman ang anak ni Derek sa kanyang ex-wife.

Overwhelmed

Maganda ang pasok ng 2018 kina Sef Cadayona at Mikoy Morales. May bago silang GMA series na ipapalabas ngayong January, ang “Sirkus” kasama si Mikee Quintos.

Isang contortionist ang role ni Sef. Given na ang pagiging good dancer niya, pero nag-training pa siya at nag-undergo ng classes on contortion at gymnastics para lalo niyang mabigyan ng justification ang kanyang role.

Biggest break ever naman kay Mikoy ang bago niyang project. Lead role na siya na aniya, pressured at excited siya.

“It’s a big opportunity. Honestly, ang tagal kong na-overwhelm bago siya nag-sink-in sa akin. For me, it’s just like a big venue para maipakita ko, ano’ng kaya kong gawin.”

Excited siya dahil bukod sa maganda ang kuwento ng “Sirkus,” masayang kasama ang cast. “Gustung-gusto ko ang working atmosphere,” he said.

Memorable

Memorable kina Pancho Magno at Max Collins ang nakaraang Pasko at Bagong Taon. First time sila nag-celebrate bilang mag-asawa. Ikinasal sila December 11 last year.

Samantala sa “Haplos,” nalipat kay Pancho (as Benedict) ang sumpa para kay Angela (Sanya Lopez). Hindi makontrol ang transformation ng kanyang itsura. Kalbaryo kay Angela ang pag-aalaga kay Benedict dahil parati itong gumagawa ng eksena at napapaaway. Paano mawawala ang sumpa sa kanya?

Tutok lang sa “Haplos” sa GMA Afternoon Prime, Monday to Friday.

<-count href="http://tempo.com.ph/2018/01/04/angel-at-neil-together-forever-na-kaya/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments