Angel at Neil ‘spread the love’ ang eksena sa New Zealand

0
81


Kilig-kiligan ang fans sa Instagram stories nina Angel Locsin at Neil Arce, na nasa New Zealand ngayon para sa kasal nina Anne Curtis at Erwann Heussaff. Sabi-sabi na kagabi ang welcome party para sa mga bisita sa kasal, at ngayong Linggo ang special events na ito sa buhay nina Anne at Erwan.

Makikita sa IG story ni Angel ang video na nagha-hi guys siya, at on their way na raw sa isang lugar, na nu’ng tinanong niya ang katabi niyang si Neil, medyo ginaya nito ang tono ng pananalita ni Angel. Na napansin nga ni Angel, at nauwi sa tawanan ang video nilang ‘yon. Ang cute lang, ‘di ba?

Sabi nga, nakaka-good vibes ang ‘lambingan’ nina Neil at Angel. Ang sarap pakinggan ng mga tawanan nilang dalawa.

‘Yun nga raw ang mga ngiti na bet na bet marinig ng followers nila. Na sana nga raw ay hindi na mawala.

Para sa mga followers ni Angel, deserving siyang maging masaya sa pag-ibig, dahil marami na siyang napasaya na fans niya.

Pero bago ‘yon, makikita naman sa IG story ni Neil ang mga eksena sa paligid, na biglang-bigla ay nag-pan sa isang girl na ginaw na ginaw, naka-jacket, at familiar ang kagandahan, na siyempre ay si Angel Locsin.

Well, at least, open na ang dalawa sa relasyon nila. At mukhang nagkakasundo talaga sila at bagay na bagay ang mga trip at gimik nila.

So, go lang Angel at Neil. Spread the love sa New Zealand.

Kris ‘absent’ sa Anne-Erwan kasal

Sa mga nagtatanong, imbitado po si Kris Aquino sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, na sabi-sabi ay magaganap ngayon (Sunday, Nov. 12) sa New Zealand. Pero, dahil sangkatutak daw ang work niya, hindi sila makaka-attend.

“I explained to Anne I had work commitments Saturday and Sunday. So disappointed to miss this – was so privileged and touched by her invitation for Kuya, Bimb & me,” sey ni Kris.

Jessy at Luis prenup pictorial sa New Zealand?

Luis Man­zano at Jessy Mendiola

Samantala, kapansin-pansin na parang pre-nuptial pictorial naman ang drama ng magdyowang Luis Man­zano at Jessy Mendiola sa mga photos nila, ha!

May photo ang da­lawa na nasa gitna ng kalsada na ang paligid mula itaas hanggang sa magkabilang side ay puno ng halaman at bulaklak.

Para ngang prenup photo dahil magkadikit ang lips nilang dalawa, at nakataas pa ang isang paa ni Jessy na nasa likod niya.

“I like me better when I’m with you,” pa-sweet na caption ni Jessy.

Well, nagulat nga ang mga friends ni Luis na napapayag siya ni Jessy na rumampa nang rumampa sa lugar na kung tawagin nila nu’ng una ay Quezon City lang. Pero, lumalabas nga na nasa Queensland New Zealand sila.

At sabi nga ni Luis, kaya siya napapayag na rumampa ay dinaan siya sa lambing ni Jessy. At siyempre, hindi niya kayang tanggihan si Howhow (tawag niya kay Jessy) niya.

“Para-paraan para sa lambing shot, ha!” sabi pa ni Luis.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments