‘Ang Probinsyano’: Cardo, winakasan si Joaquin

0
141



Matapos ang mainit at magdugong palitan ng suntok sa gitna ng putikan, matagumpay na winakasan ni Cardo (Coco Martin) ang buhay ng kanyang mortal na kalabang si Joaquin (Arjo Atayde) sa “Ang Probinsyano” nitong Miyerkoles. 

Sa eksaktong lugar kung saan tinadtad ng bala ni Joaquin si Ador, doon rin nawakasan ang kanyang kasamaan. Matapos ang ilang taong paghahanap ng hustisya para kay Ador, sa huli ay nakamit rin ng duguang si Cardo ang katarungang hinahangad niya.

Si Joaquin ay ginampanan ng award-winning actor na si Arjo Atayde, na pinalakpakan din ng marami dahil sa kanyang husay sa pagiging kontrabida. 

Sa katunayan, nakatanggap pa siya ng Teleserye Supporting Actor of the Year award mula sa The PEP List noong nakaraang taon. Ibinahagi niya ang kanyang tagumpay kay Coco Martin, na sa tunay na buhay ay matalik niyang kaibigan. 

Sa isang Instagram post, inamin ni Atayde na mami-miss niya ang karater ni Joacquin, na ngayo’y isa na raw malaking bahagi ng kanyang buhay. Pinasalamatan din niya si Yassi Pressman sa pagiging collaborative nito sa maiinit na eksena nila. 

Samantala, top treding naman sa Twitter ang naging pagtatapos ni Joaquin sa serye. Maraming netizens ang umamin na kahit pa naiinis sila sa karakter ni Joaquin, hindi kumpleto ang palabas kung wala ito. 

Matapos ang pagkamatay ni Joaquin, isang panibagong chapter ang magbubukas para kina Cardo at Alyana (Pressman). 

Tutukan ang mga susunod na kaganapan sa “Ang Probinsyano” pagkatapos ng “TV Patrol.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments