Andi, nagkuwento tungkol sa kanyang bagong pag-ibig

0
97



MANILA — Sa bihirang pagkakataon ay nagbahagi ang aktres na si Andi Eigenmann ng mga detalye tungkol sa kanyang bagong pag-ibig.

Sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkoles, naging bukas si Andi sa relasyon niya sa kanyang nobyong si Emilio Arambulo.

Ayon kay Andi, nagkakilala sila ni Emilio sa panahong hinahanap niya ang sarili.

“Actually ‘yung older sisters namin, si ate Max ko at ate niya, are friends. Birthday ng ate niya noon. Mag-isa lang akong nakaupo sa labas. Sa totoong buhay, medyo mahiyain ako, siya he’s a friendly guy. Nakita niya ako, umupo siya sa tabi ko tapos kinausap niya ako,” panimula ni Andi.

Ayon kay Andi, nakatulong ang bagay na hindi siya kilala ni Emilio bilang artista.

“Hindi niya ako kilala. He even asked me, ‘So what do you do?’ Ako parang ‘hindi niya ako kilala’ pagkakataon ko na ito ‘oh I’m an aspiring filmmaker’ may ganoon pa ako. Pero siya siguro familiar ako pero he doesn’t know exactly what I do. So I feel like na nakabigay na din ako ng magandang head start kasi wala siyang pakialam sa kung sino ako or ano ang ginagawa ko,” ani Andi.

Aniya, ilang linggo pa ang lumipas bago niya muling kinausap si Emilio. Pagkatapos magdesisyon na bigyan ng pagkakataon ang sarili na kilalanin si Emilio, naramdaman ng aktres na siya ay umiibig na muli.

“I gave it a shot, got to know each other more. Everything just fell into place. Parang I didn’t have to make any effort or any adjustment in my life. Parang he knew that I had Ellie. He knew that this was my life. Alam niya na nagtatrabaho ako bilang artista at may anak na ako. Halimbawa surfing, martial arts ‘yan ang hilig ko, hilig niya din ‘yon. So sa ibang bagay, marami kaming nagagawang activities together until in time we realized we were in love,” ani Andi.

Pag-amin ni Andi, sa ngayon ay napag-uusapan na niya at ng kanyang nobyo ang kanilang kinabukasan.

Nang matanong kung si Emilio na ba ang lalaking kanyang pakakasalan, sagot ni Andi: “The way that we think parang sobrang chill lang namin na mga tao and we live each moment by the day parang go with flow. Pero siyempre napag-uusapan namin, lahat ng mga bagay na gusto naming gawin para sa sarili namin. Alam namin na marami pa kaming gustong makamit sa buhay for ourselves but all of those can be achieve kahit magkasama kaming dalawa. And we have each other and it’s even better because we have each other by our side to support each other na maabot ang mga pangarap namin para sa sarili namin. Tapos ang pangarap namin para sa aming dalawa darating din ‘yon.”

Sa panayam, inamin din ni Andi ang pagiging malapit ng nobyo sa kanyang inang si Jaclyn Jose.

“Yung mom ko at si Emilio mas nag-uusap pa sila kaysa sa akin. My mom tells me that the reason why she likes Emilio kasi maganda siyang impluwensiya sa akin. For one, lagi akong nakangiti. Second, as in never pa niya, ‘yung mga taong nakapaligid sa akin, never pang nakita kaming mag-away. We are at peace. We live a peaceful ad genuinely happy life. I guess we are good for each other. Ang nanay ko lagi niyang sinasabi, ang dali-dali ko lang i-please, di naman mataas ang kanyang standards, ang kailangan lang maging mabuti ka para sa anak ko. So I guess my mom just really feels na, he takes care of me. That’s what my mom says ‘I love you Emilio because you take care of my daughter and my granddaughter,'” ani Andi.

Samantala, sa isang taped message, ipinahatid naman ni Emilio ang pagmamahal kay Andi na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong darating na Hunyo 25.

“I know I was just with you earlier but I miss you already I hope you’re having fun on the show. I will see you this weekend. Bye, I love you,” ani Emilio.

Nagpasalamat naman si Andi kay Emilio sa suporta at pagmamahal nito sa kanya.

“Thank you for supporting me and everything and allowing me to be happy,” ani Andi.

Matapos ang pagganap sa seryeng “The Greatest Love,” bibida naman si Andi sa pelikulang “The Maid in London.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments