ALVAREZ, FARIÑAS PAREHONG PERSONA NON GRATA

0
39


MAHIGIT isang taon pa lang pinamumunuan nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas ang Kamara del Representantes, ngunit isinusuka na nang todo ang dalawang ito ng kani-kanilang mga nasasakupan.

Alam n’yo ba kung ano ang nangyari sa ‘cute’ na si Alvarez, bukod sa mahinang-mahina ang pamumuno at pagkakaroon ng kabit?

Si Alvarez ay idineklara ng PDP-Laban sa Mindanao na ‘persona non grata’ dahil sa sobrang pag-abuso sa kapangyarihan at pambabastos sa PDP-Laban.

Sinalo naman ni Senate President Aquilino Pimentel, Jr., pangulo ng PDP-Laban, si Alvarez at nagsabing hindi raw ito totoo.

Lumabas sa ilang pahayagan, kabilang dito sa Remate, na idineklaran ng PDP-Laban Mindanao na talagang persona non grata si Alvarez.

Nakarating sa Kamara at hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan ng mga empleyado ang balitang mahigit isang linggo nang pumutok sa Mindanao na si Alvarez ay isinusuka ng mahigit 200 orihinal na mga pinuno ng iba’t ibang sangay ng PDP-Laban sa Mindanao.

Idiniin nila na binarumbado ni Alvarez ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tahasang nilabag ni Alvarez ang mga alintuntunin at patakaran ng PDP-Laban, ayon sa 200 sa pangunguna nina dating Labor Undersecretary Rogelio “Bicbic” Garcia, PDP-Laban chairman ng ika-12 Rehiyon at Cesar Cuntapay, PDP-Laban Southern Mindanao Regional Council Interim President.

Sa pagdedeklarang persona non grata sa ‘boss’ ng Kamara, inakusahan ng grupo nina Garcia at Cuntapay si Alvarez na taong walang “moral ascendancy.”

Apat na resolusyon ang inaprubahan at ipinasa ng PDP-Laban Mindanao tulad ng pagkakaisa at pagpapalakas ng partido sa Mindanao, pagbabawal at pagtanggal ng kapangyarihan kay Alvarez na magsagawa ito ng mass oath-takings nang hindi dumaraan ang aplikante sa Basic Membership Seminar (BMS) na rekisito sa pagpapamiyembro, alinsunod sa by-laws ng partido.

Inilinaw, inulit, at idiin ng 200 pinuno ng PDP-Laban na “fake secretary general” UMANO si Alvarez ng PDP-Laban. (ITUTULOY) BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments