Alex Gonzaga, pumalag sa bastos na Koreana

0
70



MANILA – “Lesson: don’t let anyone, especially foreigners, disrespect you in your own country.” 

Ito ang iginiit ng aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang mga tagahanga, matapos siyang pumalag sa hindi magandang asal ng isang restaurant manager na Koreana sa Pasig.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Alex ang hindi magandang karanasan sa pagtungo niya sa isang Korean restaurant kasama ang kanyang mga kaibigan nito lamang Biyernes.

Ayon kay Alex, matapos nilang hilingin sa waiter na palitan ang kanilang in-order na karne dahil sa taba nito, ay walang tigil na ang Korean manager sa paninigaw sa kanila habang pinapaliwanag na hindi nila puwedeng palitan ang kanilang order.

“I asked the waiter to change our beef belly order with less fat, then the Korean manager/owner started attacking our table. She kept on shouting at us while explaining that they can’t do that,” kuwento ni Alex.

Dagdag ng aktres, napansin niya at ng kanyang mga kaibigan ang hindi magandang asal ng Korean manager sa kanyang mga waiter kaya hindi na niya napigil ang sarili na ipatawag ang manager at pangaralan.

“I called the manager and told her she should not be rude to any customers, especially when she’s in the Philippines, because we are all hospitable and caring to everyone here. It’s because of us that’s why they have their business and they are earning,” ani Alex.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments