Alden sinabihang jinx Ai Ai todo-depensa kay Alden

0
31


Dinepensahan ni Ai Ai delas Alas si Alden Richard­s sa isang netizen (@emilymmiranda08) na huwag isama ang akor sa next movie­ niyang si Maine Mendoza ang ba­litang makakasama ng Comedy Queen.

Komento ng netizen sa Instagram post ni Ai Ai na nagpapasalamat sa Best Comedy Actress sa nakaraang Star Awards for TV, “Sana ‘wag isama si… para sa inyo ang focus. Pati si Alden jinx yan sa movie niya sa GMA Films puro flop except ng kasama Bong Revilla.”

Sagot naman ni Ai, “@emilymiranda08 Wag naman ganun parang anak ko na ‘yang si Alden pag sinasabihan siya ng ‘di maganda nasasaktan din ako…stop d hate…what the world needs now is LOVE…”

Bumanat din sa basher­ ni Alden ang ilang nagmamahal sa kanya.

“Hoy baka mabangu­ngot ka Lola sa pagtulog­ mo ‘pag ganyan kasama ang ugali mo.” – @villaluzimelda.

“Ang sama ng ugali­ mo, isa ka sa mga taong nagbibigay ng masamang paningin kay Alden. Mahiya ka sa sarili mo,” – @castro_rhea.

“Makarma ka sana masama ka sa kapwa mo,” – @rhea.marasigan0807.

“Ipagdadasal po kita kasi napakalungkot ng buhay mo kaya lahat po gusto mo maging misera­ble ang buhay. Naiintindihan po kita kasi bilang isang Psychologist marami na po akong na-handle na case kagaya niyo po na laging malungkot ang kina­lakihang pamilya, kulang sa pagmamahal at intindi ng magulang kaya lumaking nega­tibo ang disposisyon sa buhay. God bless you po at magdasal po kayo,” – @maricelfperez.

Tameme ang netize­n sa banat sa kanya ng nagmamahal kay Alden. Anyway­, congrats, Ai Ai!

Angel-Neil hindi nagpatalo kina Jessy-Luis sa lambingan sa NZ

Hindi solo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola­ ang pagkakaroon ng cheesy pictorial sa New Zealand. Join din ang rumored lovers na sina Angel Locsin at Neil Arce na chill lang sa kuhang magkasama.

Pero kahapon, lumarga na ng isang post si Angel sa IG niya na face to face sila ni Neil sa photo. “Anyday spent with you is my favorite day @neil_arce,” caption ni Gel.

Eh may poser si Anne Curtis na gamit ang user name na @annecurtis_4_fhm200. Hindi na namin makita ang comment niya dahil mahigit 1000 ang nakapaloob sa thread ni Gel.

@annecurtis_4_fhm20 “Ang sad lang na kela­ngan mo pang gamitin si Anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl.”

Take note na maging si Jessy ay pinutakti rin ng bashers sa presence niya sa kasalang Anne at Erwan, huh! Patola rin ang girlfriend ni Luis!

Sa totoo lang, higit na marami ang sumang-ayon sa bagong pag-ibig ni Angel, huh!

Mikee wagi sa Star Awards for TV

Panalo agad ng award si Mikee Quinto­s nang hirangin­ siya bilan­g Best New Female­­ TV Personalit­y sa nakaraang Star Awards last Saturday­. Halo­s halikan ng baguhang Kapuso actress ang tropeo niya sa picture na naka-post sa kanya IG.

“When I entered the industry 2 years ago, I had nothing by my love for the craft. Clueless with what to expect but bursting with curiosity­. Everything­ that happened tonight is surreal…­” bahag­i ng post ni Mikee.

Wagi siya sa performanc­e niya sa Encantadi­a at ngayon ay sa Alyas Robin Hood 2 siya napapanood. Congrats­, Mikee­!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments