Alden nalason, isinugod sa ospital

57


HABANG isinusulat namin ito, hindi kami makahingi ng statement sa Pambansang Bae na si Alden Richards dahil isinugod sa ospital. Nahilo raw at nagsusuka habang nasa Eat Bulaga. Hindi raw niya natapos ang show.

Balitang may nakaing masama si Alden kagabi kaya nagsusuka at nag-lbm. Ang suspetsa, food poisoning.

Hindi kaya na-stress si Alden sa open letter ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza?

Nagpaalam ba si Maine sa ka-partner o sa management  bago gumawa ng open letter dahil may loveteam silang pinoprotektahan at para hindi magmukhang iniwan sa ere si Alden?

Anyway, iniintriga ng netizens ang open letter ni Maine. Sumabog siya pag­katapos umanong i-bash si Jake Ejercito at ang anak nito kay Andi Eigenmann. Kamakailan kasi ay napabalitang nag-date ang dalawa sa isang bar.

Dati ay ganyan din si Maine noong i-bash ang nali-link sa kanya na si Sef Cadayona. Nag-deactivate siya ng Twitter account.

Ang ipinagtataka ng ilang netizens, bakit hindi nagawang ipagtanggol ni Maine si Alden ‘pag naba- bash ito? Tahimik lang siya.

Just asking!

BILLBOARD NI MATT,
NAGKALAT NA

MAS lalong tumatatag ang relasyon at malapit sa isa’t isa ang Beautederm family dahil sunod-sunod ang pag-iikot nila sa mga probinsiya.

Kaya naman, sinorpresa nina Sylvia Sanchez, Matt Evans, at Shyr Valdez ang CEO at owner ng Beautederm na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan (Rhea Tan)  at ginawan nila ng birthday salubong. Na-appreciate ni Ms. Rhea na nag-effort ang mga ambassador niya na puntahan siya sa kanilang tahanan sa Angeles City. Sobrang nagulat at na-touched siya.

Todo ang pagbibigay suporta nila gaya na lang sa bagong serye ni Sylvia na Hanggang Wakas na nagsimula kahapon sa ABS-CBN 2.

Talagang namudmod pa sila ng mga Beautederm products noong presscon na pinuri ng press ang kalidad nito at vey effective talaga.

Actually, kahit ang pelikulang Nay ni Ibyang ay nakaplano sanang magkaroon ng Beautederm block screening kasabay ng kanyang kaarawan noong November 26. Pero ipina-cancel ni Sylvia noong mabalitaan niyang parehong nagkaroon ng sakit ang dalawang kids ni Ms. Rei at hindi ito makadadalo.

Samantala, bago ‘yan ay nagkaroon siya ng birthday treat sa Singapore kasama ang mga girl ambassador niyang sina Sylvia, Alma Concepcion, Shyr, Rochelle Barrameda, Jaycee Parker. Sina Maricel Morales at Yayo Aguila lang ang wala dahil may shooting,

Kamakailan ay nag-bonding din sila sa opening ng Beautederm store sa Cebu na naroon sina Sylvia, Matt, Jestoni, Shyr atbp..

Sey ni  Matt, tuwang-tuwa  siya dahil sunod-sunod  ang blessings ng naturang produkto. “Sobrang saya po ng opening at saka lalo na si Nanay (Sylvia), wala pong pagod at partida, may sakit pa po ‘yun, ha.

“Kay Mam Rei naman po, ang masasabi ko sa kanya, saludo ako at pagmamahal po para sa kanya. Kasi, sobrang hardworking po talaga siya at higit sa lahat mahal niya po ang ginagawa niya. Kaya nga po pati kami ay nahahawa na rin sa pagiging workaholic niya,” bulalas pa ni Matt sa isang panayam.

Masaya si Matt dahil tinupad ni Ms. Rhea ang pangakong bibigyan siya ng billboard. Nagkalat na ngayon ang Beautederm billboard niya sa EDSA, NLEX at iba pang lugar.

JOHN, ‘DI PA RIN
NAKIKILALA SI JAKE;
INAH, TAKOT
IPAKILALA ANG BF

TINANONG si John Estrada kung nagkita na ba sila ni Jake Vargas, boyfriend ng anak niyang si Inah De Belen.

“Hindi pa!

“Well, palagi kong tinatanong sa anak ko ‘yan. ‘O, lahat ng tao alam na boyfriend mo ‘yan Jake na ‘yan puwera ‘yung tatay mo.’

“So sabi ko, ‘kailan ba talaga?’ ang sagot niya, ‘Dad, malapit na.’

“’Kailan ba talaga?’ ‘Eh, kasi Dad nakakatakot ka, eh!’ Eh sabi ko, ‘kung wala naman kayong ginagawang masama lalo na ‘yang si Jake, ba’t naman matatakot?’

“’Actually, Dad, hindi naman siya natatakot. Willing naman siya kaya lang ako lang,’ sabi ng anak ko. Parang natatakot siya para kay Jake. So, sabi ko, ‘hindi naman puwede Inah na hindi mo ipakikilala sa akin ‘yan dahil parang hindi naman maganda para sa side mo rin. Wala namang problema, bakit hindi mo ipinakikilala sa tatay mo,’ ‘di ba? Hindi naman mamamatay tao ‘yang tatay mo, ‘di ba?

“Sana… soon..makilala ko na,” sambit pa ni John.

Aminado naman si John na kilala niya si Jake bilang isang artista.

‘Pag nagkita sila ni Jake, ano ang sasabihin niya?

“Tumayo ka,” tumatawang pakli ni John na nagbibiro.

“Okey naman, mas matangkad daw siya sa anak ko, eh,” dagdag pa ni John.

Boto ba siya kay Jake?

“Ako, basta mahalin mo lang nang husto ang anak ko. Huwag mo lang saktan dahil sasaktan kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko physically, pagbubuhatan ng kamay. Kaya nga ‘yung speech ko na kung sino man ang mauna sa mga anak ko na mag-asawa, huwag naman muna..Pero si Inah kasi she’s of age already, puwede na pero sa mga panahong ito, late na nagsisipag-asawa, mga 30.

“’Yung speech ko sa mga anak  ko noong wedding ko, lalo na sa mga babae kong anak, ‘wag niyo lang pagbuhatan ng kamay ang  mga anak ko.’”

Mas okey ba sa kanya na si Inah ang magpakilala kay Jake o ‘yung mag-effort si Jake na magkusang magpakilala?

“Alam mo, tinanong ko rin sa anak ko ‘yan, bakit kung talagang lalaki ‘yan, bakit hindi nagkukusa ‘yan?Ang sa akin lang, ano ba naman ‘yung ‘Sir.. ako po ‘yung si Jake. Ako po ‘yung boyfriend ng anak niyo.’ Sa tingin ko, mas maa-appreciate ko ‘yun.”

Sey pa ni John, pangatlo si Jake sa naging boyfriend ni Inah. ‘Yung dalawa ay nakilala niya rati.

Anyway, kasama si John sa pelikulang Unexpetedly Yours na showing sa Nov. 29 na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Joshua Garcia, at Julia Barretto. Napapanood din siya sa Primetime ng ABS-CBN 2 na The Good Son na isa rin siya sa pinagdududahan na pumatay kay Albert Martinez.

Ayon kay John, desisyon ng management na hindi ipaalam sa buong cast kung sino ang pumatay hanggang dumating na ‘yung script sa kanila sa takdang panahon.

TALBOG
ni Roldan Castro





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments