ALDEN-MAINE KASAL NGAYONG GABI, PUNO NG KILIG!

0
73


Team kilig! Team himatay! Team kampante!

Sure ako na kung ano-anong team ang mabubuo ngayong gabi, dahil sa kasal nina Maine Mendoza at Alden Richards sa Destined To Be Yours.

Ngayong gabi nga ang pagtatapos ng teleserye nina Alden-Maine, na si­yempre pa, dapat lang na happy ending, or else, magwawala ang AlDub Nation.

Gusto sanang ilihim kung paano magtatapos ang DTBY, pero sa panahon ngayon, may puwede pa bang ilihim? Siyempre, wala na, ‘di ba?

Eh, kahapon nga, kumalat na ang mga photos ni Maine na naka-wedding gown. At siyempre, kay Alden siya ikakasal. Nagtataka lang ang fans, bakit walang photo si Alden na naka-barong o naka-tuxedo.

“Here comes the bride! Mrs. Sinag Obispo Rosales! How I’d rather be…. Mrs. Nicomaine Dei Faulkerson! Soon! #destinedtobeyours.”

Well, ganiyan nga kung tingnan ng mga fans nila ang kasal ngayong gabi nina Alden at Maine.

Na mas gusto nila na ipa-hashtag ang #Faulkerson-MendozaKasal, kesa sa #RosalesObispoKasal, ha! Bongga, ‘di ba?

maine-mendoza-wedding-gownAnyway, marami nga ang nagandahan kay Maine bilang bride. Simpleng make-up lang daw, carry na. At yes, bagay na bagay raw kay Maine ang wedding gown na suot niya.

“Ganda niya!” — teresaboquiren
“Lovely & happy bride Sinag!” –anchie.lorbes

“Malulungkot na mother ko Destined To Be Yours lang inaabangan nya gabi gabi!”-lomiesebastian

“Masususmaryosep sa’yo si Alden eheste Benjie, Menggay jan sa suot mo sexy girl!” — etsison50

“Sa Pelangi cla kinasal ang sweet!” — catherinegarcia4640
“Ah may kasal pala, uyyy nakaka-kiss naman si Tukmol!” — mimianago
“Beautiful bride!!” — are_827
“Eh! ‘Yun na nga pinakita ba and groom?”– forever_aldub_fan

“So excited to see this wedding of SinJie. Kailan naman kaya ang tunay na wedding ng AlDub?” — march0460x.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments