Albert Martinez, Karel Marquez, Joross Gamboa, may good news sa Father’s Day

0
78



Lalong naging makabuluhan ang Father’s day para sa tatlong showbiz personalities dahil sa biyayang natanggap nila.

Albert Martinez, magiging lolo na

Natanggap ng beteranong aktor na si Albert Martinez ang itinuturing niyang “best Father’s Day gift ever” matapos malamang magiging lolo na siya.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Martinez na nakatanggap siya ng regalo mula sa anak na si Alyanna na may lamang note at bib. 

“Actually, this is the best Father’s Day celebration and the best Father’s Day gift na nakuha ko ever. I received a gift from Alyanna in a box. When I opened it, I saw a note, and then I saw a bib,” ani Martinez.

Kuwento pa ng aktor, naiyak siya nang makita ang sulat ng kanyang anak dahil matagal na niya itong hinihintay.

Hindi pa alam kung ano ang kasarian ng sanggol ngunit para kay Martinez, hindi ito mahalaga basta malusog ang bata.

“It doesn’t really matter. What’s important is healthy lumabas ‘yung bata, and walang problema. ‘Yun na ‘yung happiness naming lahat,” kuwento ni Martinez.

Ibinalita rin ni Alyanna sa Instagram ang kanyang pagbubuntis, at binate niya ang asawa na si Roy Macam.

“Surprise! Happy 1st Father’s Day @roymacam,” ayon kay Alyanna.

Ikinasal sina Alyanna at ang kaniyang asawa noong nakaraang taon. 

Karel Marquez, buntis

Magandang balita rin ang hatid ni Karel Marquez para sa kaniyang mister na si Sean Fariñas nitong Father’s Day.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Marquez ang larawan ng kaniyang pregnancy tests na ipinapakitang buntis siya.

Kasama ng pregnancy tests ay ang sulat ni Marquez para sa kaniyang asawa: “The only thing better than having you as my husband is Keiley and Kyler having you as their dad… and to our baby #3. I love you so much my husband, daddy, my love.”

Binati rin ni Marquez ng “Happy Father’s Day” ang kaniyang asawa.

“Can you believe, out of all the months and days, God planned it just in time for Father’s Day? Happy Father’s Day to you,” mensahe ni Marquez para kay Fariñas.

Hindi pa rin alam ni Marquez ang kasarian ng magiging anak ngunit nasasabik na siyang makita ang baby.

Ibinahagi naman ni Fariñas ang parehong larawan sa kaniyang sariling account.

“Speechless… Best Father’s Day gift EVER!!!! P.S. No wonder the wife has been acting weird these past few weeks,” nakasaad sa account ni Fariñas.

Ikinasal sina Marquez at Fariñas Disyembre noong nakaraang taon. 

Joross Gamboa, sinalubong ang Baby No. 2

Inanunsiyo ng Joross Gamboa sa kaniyang Instagram na napalawig ang selebrasyon niya ng Father’s Day.

Ito ay matapos ipanganak ng asawa niyang si Kathy Kimberly Saga ang kanilang ikalawang baby. Pinangalanan nila ang ikalawang anak na si John Cody. 

Ikinasal sina Gamboa at Saga noong Nobyembre 2014.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments