ALAMIN: Suggested retail price ng mga produktong pang-Noche Buena

0
34



Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga produktong pang-Noche Buena. 

Ililimbag sa mga pahayagan ngayong weekend ang SRP na inilabas ng DTI at ito na anila ang presyo ng mga manufacturer hanggang katapusan ng taon.

“Habang magkakaroon pa rin ng competition, maganda ang supply, mananatili ang presyo,” ayon kay DTI undersecretary Ted Pascua.

May ilang items na nagmahal gaya ng hamon at cream pero bumaba naman ang presyo ng ilang brands ng pasta kumpara noong nakaraang taon.

Suggested retail price ng Noche Buena items:

  • Hamon (500 grams – 5 kilos) – P137 – P949
  • Fruit cocktail (432 grams – 3.06 kg) – P46.10 – P207.90
  • Quezo de bola (300 grams – 750 grams) – P149 – P450
  • Spaghetti (200 grams – 1 kilo) – P15.25 – P88.00
  • Spaghetti sauce (250 grams – 1 kilo) – P20.50 – P83.30

Pero hindi rin maipapangako ng supermerket owners na mapapako ang presyo ng mga Noche Buena items.

Depende rin kasi ito sa supply at presyo ng hinahanguan nilang produkto.

Tumaas din anila ang suweldo ng mga manggagawa kaya nagkaroon din ng dagdag-gastos ang mga nagpapasuweldong negosyante.

“They’d have to explain lang naman why they [businessmen] priced it [product] that way, it’s not a crime…,” ani Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association.

Dagdag-presyo sa LPG, auto-LPG

LPG Price Hike:

  • Petron Gasul/Fiesta Gas – P0.30/kilo
  • Petron auto-LPG (Petron) – P0.20/litro

Tataas din ang presyo ng Petron Gasul at Fiesta Gas na P0.30 kada kilo o P3.30 kada 11 kilong tangke simula Nobyembre 1.

Tataas din ang presyo ng auto-LPG ng Petron ng P0.20 kada litro.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments