ALAMIN: Sagot ni Kathryn tungkol sa ‘kasal’ kay Daniel

0
126



Mukhang hindi na mapipigil ang real life romance sa pagitan ng magka-love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Nakikita ni Kathryn Bernardo ang sarili na pakakasal kay Daniel Padilla sakaling hingin ng katambal sa seryeng ‘La Luna Sangre’ ang kanyang kamay 10 taon mula ngayon. 

Sa “Tonight with Boy Abunda”, tinanong ng host na si Boy Abunda si Bernardo, “Halimbawa, 10 years from now, DJ goes to you and says, ‘Will you marry me?’, is that a yes or a no?” 

Walang pag-aatubiling sumagot ng ‘Yes!’ si Bernardo, habang nakaturo pa sa kanyang ring finger o ang daliring kadalasang pinaglalagyan ng singsing pangkasal. 

Hindi nag-alinlangan si Bernardo sa kanyang sagot, at sinabing pagkatapos ng 10 taon naman ito. 

Matagal na ring bukas sa kanilang mga nararamdaman ang ‘KathNiel’. 

Sa katunayan, nasabi na rin nilang sila ay ‘exclusively dating’, kaya naman sakaling may mga tagahangang babae si Padilla na masyadong lumalapit dito, sinabi ni Bernardo na tiwala naman siya sa katambal. 

“Alam naman ni DJ kung hanggang saan lang dapat. ‘Yung trust na lang iyon. Alam naman ni DJ kung saan siya lulugar. Confident ako sa kanya,” ayon kay Bernardo.

Inaalagaan din daw siya ni Padilla, at patuloy na pinoprotektahan, lalo pa’t ganoon ang ‘Teen King’ sa mga taong espesyal sa kanya. 

“Ganoon siya, protective. Hindi lang sa akin, Tito Boy. Kahit sa mga kapatid niya. Kahit kay Tita Carla. Kahit kay Mama minsan. Sa lahat ng mga taong special sa kanya,” sabi ni Bernardo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments