ALAMIN: Mga bangkong mananatiling bukas sa ASEAN holidays

0
43



Mananatiling bukas ang ilang bangko mula Nobyembre 13-15, sa kabila ng idineklarang #WalangPasok para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Noong Nobyembre 3, nag-anunsiyo ang Bank of the Philippine Islands (BPI) na mananatiling bukas ang karamihan sa mga sangay nito, kabilang na ang BPI Family Savings Bank sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga para patuloy na makapag-transaksiyon ang mga kliyente nito sa mga araw na idineklarang “special non-working days.”

Inanunsiyo rin ng PSBank na “full force” ang kanilang mga sangay sa mga petsang idineklarang walang pasok o ASEAN holidays.

“I think we’ve been having a lot of holidays and we felt that we have to be of service to our customers. So, even during the holidays, full force kami, all branches of PSBank” ani Emmanuel A. Tuazon, senior vice-president at marketing group head ng PSBank. 

Sinabi naman ng Unionbank na bukas ang lahat ng kanilang sangay sa mga probinsiya, maliban na lamang sa kanilang sangay sa Clark.

Bukas din ang mga sumusunod na sangay ng Unionbank sa mga nabanggit na petsa, mula alas-9 ng umaga, hanggang alas-3 ng hapon:

* UnionBank Plaza
* C5 – Libis
* Ortigas
* Marikina
* Tektite
* Greenhills
* South Triangle
* Timog
* GMA-Timog
* West Avenue
* Commonwealth
* Congressional
* Ali Mall
* Baesa
* Kalookan 9th
* Del Monte
* Alabang Town Center
* Las Piñas
* Bicutan
* Pasay Road
* Ayala SSS
* Perea
* Valero Antel
* Makati Avenue
* The Ark
* Uptown Place Mall
* 32nd St. BGC
* McKinley Hill
* Triangle Drive
* Dasmariñas

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral na magpapatuloy ang kanilang clearing at settlement operations sa Nobyembre 13 – 15.

— Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments