Aktres, tumaba lang, hindi buntis | Tempo

0
149


KARAMIHAN ay positive ang reaction sa pagkapili kay Liza Soberano bilang bagong Darna. Perfect choice talaga siya for the iconic role na maging si Angel Locsin ay aprubado sa choice ng Star Cinema.

Binigyan pa niya ng Darna comic books si Liza na ipinost ng manager ng huli na si Ogie Diaz sa social media. Mixed reactions si Liza na aniya, sobrang excited siya, honored, nervous. Aware siya sa expectations sa kanya ng publiko, kaya gagawin daw niya ang kanyang best sa project dahil gusto niya talaga ang role.

Excited na rin si Liza kung sinu-sino ang makakasama niya. Abang-abang na lang sa cast reveal ng Star Cinema. Si Erik Matti ang direktor ng “Darna” movie na si Liza talaga ang personal choice niya for the role.

Tumaba lang

Nag-deny na si Kim Rodriguez sa pregnant issue about her. Dumalo siya sa premiere screening ng isang pelikula at nakita siya ng mga naroong entertainment press. Tumaba lang si Kim, kaya natsismis na buntis siya, courtesy diumano ng isang politician. Itinanggi ni Kim na meron siyang boyfriend na politician.

Ani Kim, napasarap ang kain niya noong nagbakasyon siya. Wala kasi siyang project sa GMA7, kaya sinamantala niya ang pagpunta sa iba’t ibang beach resorts. Napasarap ang kain niya, kaya tumaba siya.

Itinanggi rin ni Kim na aalis na siya sa Kapuso Network. Aniya, kapipirma lang niya ng panibagong kontrata.

Magpapapayat na siya dahil may inihahanda nang bagong project for her.

Nagkakalabuan?

Maging ang ilang close friends ni Sharon Cuneta ay walang masabi sa tsikang diumano’y nagkakalabuan na ang relasyon nito and her husband, Senator Kiko Pangilinan. Panay pa rin kasi ang emote ng megastar sa social media na parang may gusto siyang ipahiwatig.

Ayon sa ilang close friends ni Sharon, ayaw naman nila itong tanungin tungkol sa personal life nito. Not unless, ito na ang mag-open up.

Dasal ng mga taong nagmamahal kay Sharon, sana’y malampasan o makayanan niya kung anuman ang pinagdaraanan niya.

Lalayas na naman siya ng Pilipinas para sa US concert series niya this June-July. May mga ispekulasyon na naman sa pag-alis ni Sharon.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/03/aktres-tumaba-lang-hindi-buntis/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments