Aktres, kinikilig kina Miguel at Bianca | Tempo

0
61


NAKIKITA ni Angelu de Leon kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang love team nila noon ni Bobby Andrews. Dekada ‘90 sumikat ang Angelu-Bobby tandem na ani Angelu, alam niya ang pakiramdam na marami ang sumusubaybay sa bawat galaw nila noon ni Bobby.

Hindi man sila nagkatuluyan sa tunay na buhay, naging lifetime best friends naman sila ni Bobby.

Ani Angelu, kinikilig siya kapag nakikita niya sina Miguel at Bianca na mga katrabaho niya sa “Mulawin vs. Ravena.”

Anak-anakan niya si Miguel bilang Pagaspas. Lawiswis naman si Bianca.

Kinikilig si Angelu sa sweet moments nina Miguel at Bianca sa MVR. “Naaaliw ako sa kanila. Naaalala ko ‘yung love team namin noon ni Bobby. Parang katulad namin noon sina Miguel at Bianca. Friends more than a love team. They respect each others’ privacy. They respect each other personally,” saad ni Angelu.

Huwag lang sanang matulad si Bianca kay Angelu na nabuntis noong kasikatan ng love team nila ni Bobby. Si Joko Diaz na kasama rin nila sa MVR ang nakabuntis kay Angelu. Eighteen years old na ngayon ang anak nilang si Nicole.

Engaged na?

How true kaya na engaged na si Kim Domingo sa basketball player-boyfriend niya? Ten years older ang guy kay Kim. She is 21 (or 22?) years old.

Ayon sa isang source, diumano’y nag-propose na ang guy kay Kim. Afraid kaya ito na maagaw pa ng iba ang sexy star?

Hindi naman itinatago ni Kim na may boyfriend siya. Kahit sexy ang image niya, faithful girlfriend si Kim, kahit may ibang guys na gustong pormahan siya.

Hanggang pantasya na lang ang mga ito kay Kim. Better yet, buy sila ng photo book ng sexy star, ang “Kim Domingo:

State of Undress.” Kapanta-pantasya talaga ang sexy photos ni Kim.

No VP

Hindi pa rin matanggap ng bashers/haters ni Nadine Lustre na siya ang number 1 Sexiest Pinay ng FHM ngayong 2017. Mas karapat-dapat daw si Kim Domingo na number 2 sa listahan.

Ani Kim, deserving naman si Nadine. Hindi siya nalungkot o nakaramdam ng inggit sa panalo ni Nadine. Kanya-kanyang opinion ‘yun, ani Kim.

Balitang walang victory party ang FHM this year. Inaabangan pa naman ng mga kalalakihan ang pag-rampa sa stage ng mga Sexiest Pinay. Sayang, hindi makakarampa si Nadine para i-display ang kanyang kaseksihan.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/06/aktres-kinikilig-kina-miguel-at-bianca/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments