Aktor, umiiwas sa press | Tempo

0
121


TALAGANG inabangan ang paglabas ng karakter ni Lovi Poe bilang Magindara, Goddess of the Sea sa “Mulawin Vs. Ravena.”

Nag-online trending topics ang #LoviPoeisMagindara at Magindara sa micro blogging site na Twitter.

Perfect choice si Lovi na aniya, isa sa dream roles niya ang maging Goddess of the Sea. “I’m so happy that the viewers are all excited to see my character in “Mulawin Vs. Ravena.” I’m glad that GMA gave it to me. I hope the viewers will continue to watch the program dahil paganda nang paganda ang mga eksena,” ani Lovi.

Nagustuhan din ng viewers ang karakter ni Heart Evangelista bilang Alwina. Dalang-dala sila sa emotions nito. Hindi na rin mukhang naka-diaper ang costume ni Heart na umani ng panlalait noong cast reveal sa “24 Oras.”

Ang lakas pa rin ng screen chemistry nila ni Dennis Trillo na gumaganap bilang Gabriel, Hari ng mga Ravena. By the way, nasa SM City Lucena ngayon si Dennis para sa isang mall show at 4 pm. Kasama niya ang MVR co-stars niyang sina Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Career muna

Wala bang bagong project si Megan Young sa GMA? Huli siyang napanood sa “Alyas Robinhood” with Dingdong Dantes.

Sabi ni Megan sa isang past interview, kung wala siyang gagawing project sa Kapuso Network, itutuloy niya ang pag-alis this July para mag-workshop at mag-audition sa USA. May agency siya roon na mamamahala sa kanyang international career.

Sakaling palarin si Megan na mabigyan ng magandang oportunidad, aniya, handa siyang mag-stay sa USA kung kinakailangan. Handa rin siyang ipagpaliban ang pagpapakasal kay Mikael Daez at career ang pipiliin niya, ayon kay Megan.

Magse-seven years na together sina Megan at Mikael. Supportive si Mikael sa kanyang girlfriend at sasamahan niya si Megan sa USA. Matatapos na ang “Legally Blind,” kaya makakaluwag na sa kanyang schedule si Mikael.

Isyu

“Nabuhay” na naman ang isyu na may “something” na namamagitan kina Maine Mendoza at Sef Cadayona. Nag-post kasi si Maine ng videoke session sa kanyang IG story kasama sina Juancho Trivino at Sheena Halili.

Duda ng netizens, sa bahay nina Sef sila nagkantahan dahil kagaya ‘yun ng background sa IG account ni Sef. Baka naman nagkataong magkapareho lang?

Ano naman kung friends sina Maine at Sef? Nagtataka lang ang entertainment writers sa pagiging aloof ngayon ni Sef.

Umiiwas siyang mainterbyu. Dati kasi, press-friendly si Sef. Ano’ng nangyari?

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/28/aktor-umiiwas-sa-press/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments