Aktor, nanghinayang sa ex-GF | Tempo

0
76


DAHIL sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Jason Abalos, balitang diumano’y nagkakalabuan na ang relasyon nila ng Fil-British girlfriend niyang si Vickie Rushton. Diumano, in-unfollow na ni Vickie sa Instagram si Jason.

Iniiwasan na raw ni Vickie makipagkita sa aktor.

Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon at maraming pagsubok na ang nalampasan nila. Nalulungkot ang kanilang mga kaibigan kung hahantong sa hiwalayan sina Jason at Vickie. Natural lang na maapektuhan ang huli sa online sexual harassment issue kay Jason.

Maapektuhan din kaya ang kanyang career? Sayang naman dahil isa si Jason sa mga mahuhusay na aktor sa kanyang panahon.

Ayaw pag-usapan

Bad break-up kaya ang nangyari kina Kiko Estrada at Kim Rodriguez? Kapag tinatanong kasi si Kiko tungkol sa kanyang ex-girlfriend, para bang hate na hate niya ito. Ayaw niyang pag-usapan si Kim. As if, wala silang magandang pinagsamahan.

Hindi nga diretsang naamin noon ni Kiko ang relasyon nila ni Kim kahit marami ang nakakakita na parati silang magkasama at super sweet sa isa’t isa.

Mukhang mas tinamaan nang todo si Kiko kay Barbie Forteza. Short-lived lang ang kanilang relasyon. Nanghihinayang si Kiko na hindi ‘yun nag-work. Nawalan siya ng panahon sa kanilang relasyon dahil busy siya sa isang teleserye, “Sinungaling Mong Puso.”

Sising-sisi si Kiko na hindi niya nabigyan ng kaukulang atensiyon si Barbie na aniya, mahal pa rin niya hanggang ngayon. No lovelife ngayon si Kiko at busy-bisihan sa taping ng “Mulawin Vs. Ravena” where he plays Rafael. Love triangle sila rito nina Derrick Monasterio at Bea Binene.

Ano kaya?

Ano kaya ang naging scenario kung kasama ni Coleen Garcia si Billy Crawford noong nakaengkuwentro niya ang isang dating pulis? Ayon kay Coleen, binulyawan siya at kinalmot ang kanyang mukha.

Kung kasama kaya niya si Billy, ano kaya ang posibleng ginawa ng kanyang fiancé sa dating pulis? Nagkarambulan to the max kaya?

Alarming

Naaalarma ang concerned friends ni Jodi Santamaria sa sobrang kapayatan niya ngayon. Mistulang anorexic raw ang kanyang itsura.

Hindi raw kaya may matinding pinagdaraanan si Jodi? Kung anuman daw ‘yun, sana raw ay malampasan ng aktres. Baka naman sadyang ginustong magpapayat ni Jodi?

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/27/aktor-nanghinayang-sa-ex-gf/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments