Aiko, ‘soulmate’ si Maja; Tony Labrusca, may mensahe kay DJ

0
67



Mortal mang magkaaway sa seryeng “Wildflower”, itinuturing ni Aiko Melendez na ‘soulmate’ ang madalas ka-sampalan sa mga eksena na si Maja Salvador. 

Ayon kay Aiko, isang tinginan lang daw kasi nila ni Maja, alam na nila kung paano mag-ad lib sa mga eksena.

Blessing din kung ituring ni Aiko na makatrabaho ang isang aktres na hinahayaan siyang umangat sa pag-arte kapag moment niya na sa taping.

Kaya naman masayang-masaya sila na extended hanggang 2018 ang nagbabagang tapatan nila sa “Wildflower”.

Samantala, naging trending topic sa Twitter ang pagbabalik-serye ni Maricar Reyes bilang isang bampira sa “La Luna Sangre”.

Natatanging bampira ang karakter na ginagampanan ni Maricar dahil handa siyang tumulong sa “Moonchasers” para magapi ang mga masasamang bampira.

Sinaluduhan naman ng singer-actor na si Tony Labrusca ang ginawang pagtatanggol sa kaniya ni Daniel Padilla mula sa bashers.

Marami kasing naging bashers si Tony dahil sa ginagampanang papel sa “La Luna Sangre” na lobong protektor ni “Malia” na karakter ni Kathryn Bernardo.

Naunang sinabi ni Daniel sa fans na sana’y mag-relax ang ibang fans dahil gumaganap lang naman si Tony kaya ganoon sila kalapit ng ka-love team ni DJ na si Kathryn.

Ayon kay Tony, sobrang na-appreciate niya ang pakiusap ni DJ sa fans.

Kung mayroon namang gusto pang makatrabaho si Tony, ‘yan ay walang iba kundi ang “Darna” actress na Liza Soberano na ultimate crush niya.

Bukas din siya sa posibilidad na makatrabaho ang ka-love team ng aktres na si Enrique Gil.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments