Aegis Juris nagkaiwanan sa ere

0
54


Nagkakawatak-watak na umano ang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity bago pa man tumalikod dito si Marc Anthony Ventura at siguruhin ang kanyang kaligtasan sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) kapalit nang pagtuga sa mga ka-brod na sangkot sa pagpapahirap sa hazing sa University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III.

Ayon sa mga imbestigador sa Manila Police District (MPD), may kutob na marahil si Ventura na magkakalaglagan sa kanilang samahan kung kaya’t nauna na itong kumalas at ikinanta ang mga ka-brod.

“‘Yung sa group chat pa lang nila, makikita mo nang nag-iiwanan na sila sa ere, nag-aalisan na sa pag-uusap at pagpaplano kung ano ang mga dapat nilang gawin para hindi sumabit sa kaso. Siguro naramdaman ni Ventura na magsasarili ng lakad ang mga kasama niya kaya inunahan na niya,” ayon sa isang imbestigador.

Dagdag ng mga ­operatiba, kahit ang mga abogadong miyembro ng Aegis Juris na hindi naman kasama sa hazing kay Castillo ay halatang dismayado sa kahinaan ng loob ng mga junior brod nila at pambabalewala naman ng kanilang mga elder o senior members.

“Kaya nga sa group chat nila, nagsusumbatan na sila, sabi nu’ng isang abogado, magagaling lang ang mga elders nila ‘pag may nakukuhang pakinabang sa samahan nila. Siguro, naisip ni Ventura na wala siyang maaasahang tibay sa mga kasama niya kaya naniguro na siya,” ayon pa sa mga ito.

Gayonman, masamang ehemplo pa rin umano ang ipinakita ng ilang abogado sa Aegis Juris dahil sa halip na payuhan nang tama ang mga nagkasalang brod ay tinangka pa nila na i-cover-up ang nangyari.

Paliwanag ng isang source na may ranggong chief inspector, wala namang masama sa ginawang­ pagtalikod ni Ventura dahil tiyak na ipinayo ito sa kanya ng pamil­ya niya.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments