ABELLA, TSINUGI SA MALAKANYANG, ROQUE IN

0
30


NAGULAT ako at nabigla nang mabalitaan ko na tsinugi na pala si Presidential Spokesperson Ernie Abella sa kanyang puwesto at ang ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Kabayan Partylist Representative Harry Roque.

Ang isa sa mga nasisilip ay Pangulo sa pagbaba ng kanyang ratings sa SWS survey.

Kung ako ang tatanungin ay napakababaw para tsugiiin ang isang tapat at hindi korap na Presidential Appointtee na si Mang Ernie.

Hindi kasalanan at walang kinalaman si Mr. Abella kung bumaba man ang rating ng Pangulo sa survey dahil pulso ito ng taumbayan sa araw-araw na nakikita nila sa pamamalakad ng gobyerno sa ating bansa.

‘Di dapat na bigyan ng maling intepretasyon ng kahit sinoman ang pagbaba ng 2-digit decline ng satisfaction at trust rating ng Pangulo sa SWS dahil talagang nangyayari po ito.

Hindi naman lahat ng oras ay laging masasabi natin na perpekto o laging mataas ang rating ng Pangulo.

Siyempre, may mga pagkakataon na ang publiko ay nadidiskuntento sa mga pamamalakad ng gobyerno lalo pa’t apektado ang mga ito.

Isa pa sa mga nasilip kay Usec. Abella ang kabiguan niyang mabigyan ng maayos na katugunan ang mensahe ng Pangulo hinggil sa pagbibigay nito ng 24 oras para lisanin ng mga European Ambassador ang Pilipinas na ang pinatutungkulan pala ay ang European non-government oraganizations.

Si Usec. Abella ay tao lang na tulad natin na may pagkakataon na nagkakamali at siguro, sa rami ng trabaho niya at sa rami na mga mensahe ng Pangulo na gusto niyang maiparating sa publiko, ay hindi niya nagampanan ang dapat niyang gawin.

Ang punto lamang natin dito, sa lahat ng Presidential appointtee ng Pangulo, si Usec. Abella ay isang tapat at hindi corrupt na government official.

Sa halos magdadalawang taon na sa serbisyo ni Abella ay hindi natin siya nakitaan ng pang-aabuso sa gobyerno kumpara sa mga kawatan sa Kongreso.

I hope and I pray in the name of Jesus Christ, sana ay bigyan ng pagkakaton ni Pang. Duterte si Abella.

IPINAGMAMALAKI SI HEPE

Sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad ng Philippine National Police na kampanya laban sa illegal gambling ay patuloy naman ang peryahan na front ng mga illegal na pasugalan gaya ng drop balls at color game, tremble at iba pa ni Jun Lona sa Gen. Trias sa lalawigan ng Cavite.

Ang balita ko hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito na pinoproteksyunan daw ang operator na ito ni Gen. Trias cop Supt. Zandro Tapalla.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments