50 pts. ni Williams, ipinanalo ang Clippers vs Warriors

23


NASILAT ng Los Angeles Clippers ang defending champion Golden State Warriors sa iskor na 125-106 kahapon, January 11.

Naging susi sa panalo ang pagpakawala ng 50 points si Clippers Lou Williams upang gibain ang GSW.

Nagdagdag naman ng 22 points para sa Los Angeles si Tyrone Wallace.

Hindi naman umubra ang impresibong 40 puntos na ipinasok ni Kevin Durant para sa Golden State.

Dahil sa panalong ito, hindi nila pinagbigyan ang milestone night ni Durant sa pagtanghal sa dating MVP bilang 44th NBA player na nakapagtala ng 20,000 points.

Ito rin ang second win ng Los Angeles mula sa kanilang back-to-back loss.

Makakaharap ng Clippers ang Sacramento Kings sa Sabado, habang magbubunuan naman ang Warriors at Milwaukee Bucks sa Linggo.

Sa kabilang panig, kumamada naman ng season-high 37 points si Chris Paul upang itakbo papuntang Houston Rockets ang 121-112 panalo kontra sa Portland Trail Blazers.

Gumawa naman ng 30 points si Eric Gordon para punan ang pagkawala ni James Harden dahil sa injury.

Sa panig naman ng Portland, nagpakawala ng 29 points si Damian Lillard, habang si CJ McCollum naman ay may 24.

Humabol ang Trail Blazers sa huling tatlong minuto at natabasan nila ang kanilang deficit mula 14 hanggang tatlo puntos.

Pero hindi nagpasindak ang Houston kaya sinagot nila ito ng 6-2 run para irehistro ang 111-104 makalipas ang isang minuto.

Bibisita ang Trail Blazers sa New Orleans sa Sabado, gayundin ang Rockets na dadalaw naman sa Phoenix. BOBBY TICZON





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments