5 RESTO BAR MAY MGA MINOR, IBINULGAR NA

0
91


MULI natin silipin ang mga resto bar na front ng prostitusyon sa San Leonardo, Nueva Ecija dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin umano na nag-o-operate ang mga ito nang walang takot sa nasabing bayan sa Nueva Ecija.

Sa karagdagang “impo” ay lima sa labing walong resto bar ang isinuplong sa atin ng ating text tipster na mayroong mga menor-de-edad na nagtatrabaho at kinakakaladkad ang mga ito sa putikan o maging pokpok.

Inuulit ko, ang anomang inyong nababasa ay ibinabase ko lamang sa mga text message na itine-text ng ating tipster.

Kung may suhestiyon kayo ay malaya naman kayong makapagbigay ng inyong mga side, lalo na kayong mga may-ari ng resto bar na inirereklamo.

Basahin natin ang nilalaman ng kabuuang reklamo.

Good pm po, idol. Lima lang po ang nakuha kong pangalan ng mga hayop na resto bar na patuloy na kumakaladkad sa mga menor-de-edad sa putikan at walang-awang ipinakakasta ang mga ito sa Brgy. Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija.

Kabilang sa mga resto bar na nakuha ko ang mga pangalan ay ang Puck G Resto na dating Lyka Resto Bar na pinalitan lang para iligaw ang inyong pagbanat; Lian Resto Bar; Dos Uno Resto Bar; Nancy Resto Bar; at Puck Girls Resto Bar.

Bale 18 po ‘yan pero lima lang ang nakuha kong pangalan.

Idol, ang lahat na ‘yang mga bar na ‘yan ay inalis lang daw po ang mga pangalan at iniba noong nag-raid daw po kamakalawa ng gabi at ipinatago o dinala ang lahat ng mga minor sa bukid kaya hindi nahuli ang mga ito.

Pero ‘yung pong mga nasa edad ’18 pataas na nahuli ay pinansyahan daw po ng may-ari ng mga resto bar kaya nakalabas noon din oras na ‘yun.

Kaya tuloy ang duty nila at hinaluan ng mga menor-de-edad para muling pasukin ng mga kalalakihan na mahilig na makipagkaplugan sa mga minor.

Sir idol, talagang malalakas ang mga resto bar owner na ‘yan kay mayor kaya patuloy sila na binibigyan ng munispyo ng license to operate.

Kaya kahit anong banat na gawin mo ay dedma lang ang mga ito.

BOOKIES NI KAP. RUEL, PADER KAY SARHENTO

PATULOY pa rin daw ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Kap. Ruel Reyes sa San Vicente, Biñan, Laguna.

Ni hindi man lang natakot sa bagong-upong PD na si Supt. Cirilo Ison.

Palibhasa nasa likod ng magbobookies na ito si Sarhento de Guzman na siyang binibigyan niya ng lingguhang intelihensiya sa bookies nito.

Ano kaya ang masasabi rito ni Supt. Ison?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments