36M Pinoy online, patuloy na pinaglilingkuran ng ABS…

0
22


Hindi lang sa TV, kundi maging online ay patuloy na pinaglilingkuran ng ABS-CBN ang 36 milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na kumukuha mula sa Kapamilya network ng makabuluhang istorya mapa-balita, sports, showbiz, at lifestyle man.

Naagtala ang abs-cbn.com, ng 36 milyong users at 1.7 bilyong page views mula Enero hanggang Mayo, dahilan para mamayagpag ito bilang ang pinakamalaking media website sa bansa kasunod lang ng Facebook, YouTube, at Google, ayon sa web traffic data and analytics sites na Alexa and SimilarWeb.

Patunay lang ito na ang ABS-CBN ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na isa na ngang digital company dahil sa patuloy nitong pangu­nguna, sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

“Ipinapakita lamang nito na epektibo ang mobile-first strategy ng kumpanya para maabot ang 75% ng mga Pilipinong gumagamit ng mobile devices.

Mahalaga rin para sa amin na kilalanin at maintindihan ang mga pangangailangan at interes ng ating mga Kapamilya upang maihatid ang mga istoryang mahalaga sa kanila,” sabi ni Elaine Uy, ang OIC-head ng ABS-CBN digital media division.

Isa sa mga pina­kabagong inilunsad ng ABS-CBN para paglingkuran ang lumalaki nitong digital audience ay ang Patrol.ph, isang news website na naglalaman ng mga balitang isinulat sa Filipino at madaling ma-access at mag-load sa mobile devices.

Araw-araw ding binibisita ng Kapamil­ya fans ang iWant TV, kung saan maaari silang makapanood ng kanilang paboritong programa, pelikula, Korean dramas, at orihinal na shows kahit kailan at saan man sila pumunta.

Nagagawa rin ito ng mga Pinoy sa labas ng bansa sa pamamagitan ng TFC.tv.

Hatid din ng Kapamil­ya network ang “full experience” sa pamamagitan ng offerings nitong nagdudugtong sa parehong TV at online.

Kabilang sa mga ito ang Moonchasers website, isang online community base ng teleseryeng La Luna Sangre kung saan maaaring tulungan ng fans si Tristan (Daniel Padilla) na maghanap ng mga lobo at bampira, ang award-winning na Pinoy Big Brother Online Bahay ni Kuya, na binigyang pagkakataon ang mga manonood na maging online housemates, at ang otwolista.com ng “On The Wings of Love” (OTWOL), na binigyan ang fans ng programa ng exclusive content at merchandise.

ABS-CBN din ang may top Facebook page sa lahat ng kompanya sa bansa dahil mayroon itong higit sa 15.4 mil­yong likes.

Sa video streaming service na YouTube naman, pasok sa top ten na pinakapinapanood na Filipino channels ang ABS-CBN Entertainment (siyam na milyong views), ABS-CBN News (2.4 bilyong views), Star Music (844.6 milyong views), at Star Cinema (423 milyong views).

Mayroon ding multi-channel network ang ABS-CBN na Adober Studios (dating Chicken Pork Adobo) na tumutulong sa makabagong content creators na maabot ang digital audience sa YouTube sa pamamagitan ng channel management at content optimization.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments