30,000 bubuhos sa anti-Duterte rally

0
110


Nasa 30,000 katao ang maniningil sa mga ‘pangakong napako’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) bukas, araw ng Lunes – Hulyo 24, 2017.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kahit gaano pa kahigpit ang barikada ng Philippine National Police (PNP) sa paligid ng Batasan Complex, sisikapin umano ng mga raliyista na makalapit sa Batasan Pambansa upang maiparating sa Pangulo ang totoong saloobin ng.taumbayan.

“Mga thirty thousand ang target namin na maimobilzed sa SONA,” ani Castro.

Kabilang sa hindi natupad na pangako ni Duterte ang anila’y ‘moro-morong’ paglutas sa tanikala ng endo o kontraktwalisasyon.

“Ang mga teachers naman ay maniningil dahil hindi natupad ni Presidente Duterte ang kanyang pangakong mataas na sahod,” ayon pa kay Castro.

Sinabi naman ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na maniningil ang mga magsasaka sa pangako ni Duterte na sariling lupa para sa mga magsasaka.

Ayon kay Casilao, kahit isang ektaryang sakahan ay walang naipamigay si Duterte.

Ayon naman kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, sisingilin ng mga estudyante si Duterte sa hindi natupad na pangakong libreng edukasyon sa mga public schools.

Sa panig naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, lalong dadami ang mga magpoprotesta dahil sa martial law extension sa buong Mindanao na inaprubahan ng Kongreso noong Sabado.

Kakalampagin din ng mga raliyista ang anti-poor na tax reform program ng Duterte administration at ang palpak na polisiya ng mga economic managers ng pamahalaan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments