241 BIHAG NG MAUTE –

0
99


Makikita sa screenshot na ito mula sa video na kumalat kahapon sa social media ang bihag ng Maute Group na si Fr. Chito Suganob na umaapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng militar ang buong Marawi City.

Mayroon umanong 241 katao na bihag ang Maute Group, kabilang dito ang isang paring Katoliko na si Fr. Chito Suganob na binihag ng mga terorista sa kasagsagan ng opensiba ng military sa Marawi City.

Ito ang nabatid mula sa video footage na kumalat sa social media kahapon kung saan nagsalita si Fr. Suganob, ang vicar gene­ral ng Marawi prelature at umaapela ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos agad ang pag-atras ng lahat ng puwersa ng military sa Marawi.

Ginawa ni Fr. Suga­nob ang naturang apela sa 5-minutong video na kuma­lat sa Facebook kahapon.

Ayon kay Suganob, binihag umano siya at 240 iba pa, kabilang ang mga church workers, guro at mga bata sa kasagsagan ng atake ng Maute Group noong Mayo 23 sa Marawi.

Habang nagsasalita si Suganob ay maririnig naman ang mga putok ng baril at sa kanyang background ang mga nasirang gusali sa labanan.

“Mr. President, I was taken as a prisoner of war together with one MSU female professor – the Mindanao State University – two lady church workers, two male teachers of Dansalan College Foundation Incorporated and five female teachers of Dansalan College Foundation Incorporated, along with us are about 200 carpenters, household helpers, children and youth and ordinary Christian settlers and other Subanon tribes with us as captives and as prisoners of war,” ayon sa unang bahagi ng pagsasalita ni Fr. Suganob sa video.

Mr. President, we are in the midst of this war, we are asking your help to please give what your enemies are asking for – this simply am not asking for anything just to withdraw your forces away from Lanao del Sur and Marawi City and to stop the air strikes, your air attacks and to stop the canons,” sabi ng pari.

“…Mr. President, if you want me to kneel before you just to have your heart in favor of our families, who are crying out there in different places, for our relatives and for those other 240, Mr. President we will do that. So Mr. President, I am asking you conside­ration,” huling bahagi ng mga sinabi ni Fr. Suganob sa video.

AFP ‘NO COMMENT’ PA

Tikom pa ang bibig ng pamunuan ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) kaugnay sa panawagan ni Fr. Suganob kaugnay sa pagpapatigil sa patuloy na opensiba ng militar at pulis sa Marawi City.

Ipinahayag naman ni Col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na hindi sila maaa­ring magpasya o magdesisyon sa nasabing panawagan dahil hinihintay nila ang direktiba ng kanilang commander in chief.

Itinuring din ni Herrera na ang nasabing pagpapalabas ng video ng pari sa kalaban ay bahagi lamang ng propaganda ng Maute.

CBCP UMAPELA

Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang lalaking nakita sa kumalat na video sa social media ay ang dinukot na pari ng Maute group.

Ito ang sinabi ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo kung saan si Fr. Suganob ang nakitang nananawagan sa pamahalaan na itigil na ng militar ang pagsasagawa ng opensiba laban sa Maute Group na nasa Marawi City.

Ang panawagan nito ay dahil sa marami pang hawak na hostages ang teroristang grupo at sa pangambang madamay ang mga ito sa opensiba ng militar.

“I pray for the safety of all the hostages. I appeal to the consciences of the hostage takers not to harm the innocent as the Islamic faith teaches. I appeal to religious leaders of Islam to influence the hostage takers to release the hostages unharmed,” sabi pa ni Quevedo.

SUMUKO NA KAYO

Bago pa kumalat ang video ay una nang umapela ang Malacañang sa mga terorista sa Marawi City na sumuko na habang may pagkakataon pa at upang maiwasan din umano ang matindi pang pinsala sa mga sibilyan.

Maging si AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla nanawagan din sa Maute Group na sumuko na.

“Lilinawin ko po, hindi rin po kami basta padalus-dalos sa operasyon, bagkus ay binibigyan pa po natin sila (Maute) ng pagkakataon na ibaba ang armas at sumuko bago kami gumawa pa nang mas ma­tinding pagkilos para tuluyang malinis mula sa mga terorista ang Marawi,” dagdag pa ni Padilla.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments