22 katao, nabiktima umano ng food poisoning sa Maynila

17



Dinala sa ospital ang 22 katao matapos mabiktima umano ng food poisoning sa Maynila.

Ayon kay Supt. Roland Gonzales ng Manila Police District Station 7, sabay-sabay nahilo at sumakit ang tiyan ng mga biktima nang makakain sa isang ihawan sa Jose Abad Santos Ave., Maynila.

Kabilang sa mga naiulat na kinain ng mga biktima ay inihaw na isaw ng manok, dugo, at tenga ng baboy.

Marami sa mga biktima ay menor de edad. Ang pinakabata ay 2-anyos na batang lalaki.

Kumuha na ang ospital ng mga sample na paninda na ipapasa sa Food and Drug Administration.

Dinala naman sa himpilan ng pulis ang tindera ng ihawan para imbestigahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments