2 lalaki, arestado matapos tangayin ang motor ng pulis

19



MANILA – Arestado ang 2 lalaki matapos nakawin ang motor ng isang pulis sa Tondo, Huwebes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinangay nina Isaganie Dalena at Rodney Pusiso ang motorsiklo ni PO2 Ericzaldy Madarang na nakaparada sa Panday Pira Street.

“Nalaman ko lang ang nangyari ng sabihin ito ng hipag ko,” ani Madarang.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, natukoy ang mga suspek at narekober ang motor ng biktima na isang Yamaha Mio Soul 115.

Haharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments