2 hinihinalang NPA patay sa bakbakan sa Leyte

15



Patay ang dalawang hinihinalang rebelde matapos maka-engkuwentro ng militar Huwebes ng umaga sa Barangay Hilapnitan, Baybay City, Leyte.

Ayon sa impormasyon mula sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, nakatanggap ng sumbong mula sa residente ng nasabing lugar ang Charlie Company ng 78th Infantry Batallion tungkol sa presensiya ng mga armadong grupo na nangingikil sa lugar.

Nang puntahan ng mga sundalo, nakasagupa nila ang aabot sa 18 hinihinalang miyembro ng New People’s Army.

Matapos ang isang oras na bakbakan, dalawang rebelde ang namatay. Nakuha rin ang isang M15 rifle at isang M635 rifle.

Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad matapos ang pangyayari.

Umigting ang bakbakan ng militar at mga rebeldeng komunista sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos kanselahin ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan noong Nobyembre.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments