2 Filipino pasok sa TIME’s ‘30 most influential teens’

0
40


Dalawang Filipino ang pasok sa ‘30 Most Influential Teens of 2017’ ng TIME magazine.

Sila ay ang 14-an­yos na estudyante ng St. Scholastica na si Shibby De Guzman at 19-anyos na Hawaii-based vlogger na si Bretman Rock Sacayanan.

Nakilala si De Guzman nang maging viral ang litrato nito noong nakaraang taon habang nangunguna sa protesta ng mga estudyante ng kanilang eskuwela­han laban sa extrajudicial killings (EJKs) sa bansa at sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Li­bingan ng mga Bayani.

Ayon sa writer ng TIME na si Joseph Hincks, lubhang mapa­nganib na magsalita laban sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa binubuweltahan nito ang mga kritiko ng kanyang administrasyon, tulad ng ginawa kay Senador Leila de Lima.

“None of this has deterred De Guzman, who shot to prominence after she was photographed protesting the lionization of late Phi­lippine dictator Ferdinand Marcos.

She carried a megaphone and wore a cardboard sign similar to those sometimes strewn over the bodies of drug-war victims.

Then, in a widely shared social-media post, she shut down cri­tics who alleged that her fellow protesters were ‘brainwashed’,”ayon sa komento ni Hincks.

Kinilala din ng ma­gazine si Bretman Rock, ang Filipino na may siyam na milyong followers sa Instagram na sumusubaybay sa galing niya sa pagmemake-up.

“The Hawaii-based Filipino beauty vlogger shot to fame for demonstrating make-up skills – fierce contouring, flawless eyebrows – that could give the Kardashians a run for their money,” ayon sa writer ng magazine na si Cady Lang.

Ilan sa mga sikat na personahe na napabilang sa listahan ay ang 19-anyos American soccer player at miyembro ng Borussia Dortmund team sa Bundesliga na si Christian Pulisic; ang mga anak ni Will Smith na sina Jaden Smith, 19, at Willow Smith, 17. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments