2 aktres, retokada | Tempo

0
153


AYAW paniwalaan ng press ang pakiyeme ni Kris Bernal na hindi siya nagpa-breast enhancement. Obvious kasi na lumaki ang kanyang boobs.

Ang paliwanag ng petite actress, nagsusuot lang siya ng wonder bra or push-up bra, kaya mukhang malaki ang kanyang boobs. Ang bra size niya ay 32 Cup A, 22 inches ang kanyang waistline. Pinaghihinalaan pa si Kris ng ibang tao na baka anorexic na siya sa kanyang kapayatan.

Ani Kris, malakas siyang kumain. Gusto niya ang pizza pie, burger at bread. No pork, no rice siya.

Wala siyang pakialam sa kanyang kapayatan na aniya, confident siya ngayon sa kanyang katawan.

Pouty lips

Ano naman kung nagpakapal ng kanyang lips si Arci Muñoz? Pouty lips siya ngayon na kapansin-pansin kumpara sa dati niyang lips.

Sa makabagong siyensiya ngayon, walang hindi imposible sa mga gustong magpabago ng kanilang itsura. Anang isang veteran singer, sa mga pangit na maraming pera, kasalanan na nila kung ayaw nilang gumanda.

‘Yun ngang may mga likas na kagandahan, gumagastos pa para magparetoke.

Aminin naman kaya ni Arci na nagparetoke siya ng lips? Baka ang pakiyeme niya’y makapal lang o lampas-labi ang kanyang lipstick? Whatever, hayaan na lang si Arci sa kanyang trip.

May isa ngang singer na diumano’y nagpakapal din ng kanyang lips.

Hindi lang nose, eyes, cheeks, boobs or “behind” ang ipinaparetoke ngayon ng ilang celebrities.

Magbabalik-GMA?

How true kaya ang tsikang diumano’y magbabalik-GMA si Martin Escudero? Starstruck 2 male survivor siya. Lumipat siya sa TV5 at nakagawa ng ilang teleserye. Inalis na ang entertainment shows ng naturang network. Wala na ring kontrata roon si Martin.

Noong layasan niya ang dati niyang manager, nowhere to go ang career ni Martin.

How true kaya ang balitang tutulungan ng isang aktres na makabalik si Martin sa GMA7?

Mahiyain lang

Napagkakamalang suplada si Liza Soberano dahil hindi siya matsika. Ayon sa manager niyang si Ogie Diaz, mahiyain lang ang alaga niya. Lalo na raw kapag pinupuri ito.

Hindi raw kasi sanay si Liza. Hindi pa rin daw nagsi-sink in sa dalaga na sikat na siya at marami ang humahanga.

Unawain na lang daw sana ang alaga niya kung tahimik lang ito at hindi mahilig makipagtsikahan.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/10/2-aktres-retokada/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments