150 pamilya nasunugan sa Maynila

21



Malungkot ang naging simula ng taon ng nasa 150 pamilya matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay 401, Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-11:50 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa 50 magkakadikit na bahay.

Gawa ang mga ito mula sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Ayon kay Fire Chief Insp. Crossib Cante, 2 bumbero ang nagtamo ng minor injuries.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na tumupok sa nagkakahalagagang P100,000 na ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments