1 YEAR, 5 MORE FOR PRRD

0
36


MATAPANG, ngunit simple at may puso. Rock pero malambot ang puso. Siga pero laban lang sa mga iligalista at kriminal ng lipunan. Iyan siya, ganyan siya, si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE!

Mula sa simple at iisang pangako noong panahon ng kampanyang pulitikal, “tatapusin ko ang problema sa iligal na droga na nagtutulak sa mga adik na gumawa ng krimen, kayong druglords ay uubusin ko…papatayin…”

Ginawa, nangyari at nabigla ang mga sangkot sa paggawa at pagbebenta ng iligal na droga. Marami ang natuwa pero may ilan ang tila ayaw na mawala ang kemikal na sumisira sa utak ng maraming Filipino.

Ang pagmumura ng Pangulo ay hindi rin tinanggap ng “ilang politiko” dahil masama raw ito at makasasama sa mga bata na nakapapanood sa kanyang mga pahayag at talumpati. Natuto na raw ang ilang bata dahil sa mura ni Pang. Rody?

Pati ang gusto ng Pangulo na buksan sa lahat ng bansa ang malayang ugnayang panlabas ay binatikos din. Gusto ng oposisyon na manatili lang tayo sa kandungan ng America na kaalyado raw natin noon pa?

Binuksan ni Pang. Rody Duterte ang malakas na ugnayan sa China. Sinundan ito ng pakikipagkapatiran sa Russia at iba pang mga bansa na gusto ring makiisa sa Pilipinas. Walang masama, hindi ba?

Sa kabila ng kaliwa’t kanan na pagbatikos ng iilang politiko, kritiko at oposisyon, tuloy lang ang trabaho ni Pang. Duterte. Wala siyang paki, anoman ang sabihin laban sa kanya. Ang mahalaga ay matapos niya ang kanyang misyon!

Sayang nga ang opisyal na biyahe niya sa Russia. Kung nakumpleto iyon, marahil mas marami siyang naiuwi katulad ng nangyari sa China noon. Hindi, eh, mukhang may “nag-utos” sa Maute na gumawa ng gulo. Hayun, nilusob ang Marawi at idineklara ng Pangulo ang martial law sa buong Mindanao.

Agad naglutangan ang oposisyon. Mali raw ang deklarasyon. Dapat sa Marawi City lang at hindi buong Mindanao. Tao rin daw ang mga terorista. Nagalit lang daw kay Digong kaya nagwala? Punyeta!

Sa kabuuan, natapos ni PRRD ang unang taon niya. Mayorya ng sambayanan ang patuloy na sumusuporta at sumasang-ayon sa kanyang mga gawa, kilos at dedikasyon sa panglilingkod sa mamamayan.

Mangyayari at matutupad ang lahat ng pangako ng pagbabago. 5 taon pa si PRRD. BALETODO/ED VERZOLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments